9

2.8K 187 19
                                    

Gabi na at di pa ako makatulog while Sam? Naghihik na sa tulugan nya.

Napag pasyahan kong lumabas na muna at magpahangin.

"Ginoo, saan po kayo pupunta?" Kinabahan naman ako sa nagsalita

"Magpapahangin lang po. Hindi pa ako makatulog eh. Wag po kayong mag-alala kaya ko po ang sarili ko."

"Ngunit mahigpit pong bilin samin na--" i cut his speech

"Wag po kayong mag-alala. Kayang kaya ko po ang sarili ko. Mas kailangan nyo pong bantayan ang kasama ko. Babalik din po ako agad."

Paalam ko sa dalawang bantay.

Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa punong inakyat ko kanina at naalala ko ang Bai.

Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari. I was so stupid, paniwalang paniwala akong hindi nya ko nakita pero in the end ay mali pala ako.

Umakyat ako sa puno at inalala ang mga sinabi nya kanina.

"Ano kaya siya? Syempre alam ko tao diba pero anong claseng tao? Is she friendly, is she not? Mabait ba sya? O masungit? Maganda kaya sya?"

Napangiti lang ako sa aking kalukuhan. Then i saw light from her home. Mukhang may lumabas. Gaya kanina ay tahimik lang akong naupo sa sangang inupuan ko din kanina.

I saw group of people. Narinig ko ang boses ng dalawang nag-uusap. Mukhang si Bai Anna at Bai Dayan.

"Sana hindi sya nagalit sa sinabi ko kanina." Dayan said to her older sister

"Di basta basta nagagalit si Deia sa mga ganyan kaliit na bagay, alam mo yan diba? At saka nakita mo naman ang itsura nya bago tayo umalis. Naka ngiti sya at masaya dahil alam nyang babalik tayo bukas." Anna answered

"Sabagay di naman mahirap suyuin si Deia eh. At saka anjan naman si Mateo, tutulungan tayo diba Mateo?"

"Wag mo gamitin ang anak ko Dayan. Wag ka ngang mag-isip ng king anu-ano jan. Ang gawin mo ngayon matulog ka ng maaga para bukas maunahan mo syang magising. Isipin mo ang pangako mo sa Bai, alam mo namang napaka aga nyang magising nangako kang ikaw ang una nyang makikita paggising nya?  Panindigan mo yan." Anna teased her younger sister.

"Hay, di na kaya ako matulog? Maaga pa naman pala eh. Alarm ko lang cellphone ko mamaya."

Napatawa si Anna at Dayan. Kahit ako napangiti din naman. Sobrang lapit talaga ng magkakapatid. At alam kong sobrang mahal din nila si Deia.

Paglagpas ng mga Bai ay bumaba ako sa puno at naglakad lakad pa. At hindi ko inaasahang napadpad ako sa lugar na ito. Sa Sagradong Balon ng Binukot.

Mukhang nang aakit ang tubig, parang may kung anong himihila sakin palapit  kaya hinubad ko ang tsinelas ko at naglakad papunta sa Balon. Nadaanan ko din ang mga sisidlan ng tubig ng Bai but i continue till i reached the mini pool where we performed the ritual of cleansing this afternoon.

I removed my shirt at lumusong na ako doon. Hinayaan ko nalang kahit nabasa ang shorts ko. Bihis nalang ulit ako mamaya. I relaxed and feel the peacefulness of the place. I was at peace for some moments until heard sweet and soft laughs from someone. Mabilis at maingat akong nagtago sa isang bato malapit sa balon. Mula sa pinagtataguan ko ay isang diyosang napakaganda ang aking nakita.






New World With Him [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ