65

3.6K 184 40
                                    

NEW WORLD WITH HIM
BY: missnips16

CHAPTER 65

"Chard!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Napamulat ng mata si Chard ng makarinig ng sigaw. Parang nasisilaw sya at kulay puti na lahat ng nakikita nya. Hanggang sa isang lalaki ang humarang sa paningin nya.

"I- i- ikaw po ba si S-San Pedro?" Chard

"Ha?"

"I-i ikaw na po ba ang susundo sakin?" Chard

Bakas naman sa mukha ng kaharap ni Chard ang pagtataka.

"Pwede po bang wag muna? Ayoko pang iwan ang pamilya ko. Ayoko pang iwan ang asawa ko, maliliit pa ang mga anak ko, gusto ko silang makitang lumaki."  Paiyak na si Chard.

"Ano bang sinasabi mong bata ka?" Mas bigla itong nagtaka ng humagulgul na si Chard

"ARAY!"  Sigaw ni Chard sabay sapo ng batok nya dahil na batukan na sya ng malakas ng kausap.

"Ano Ricardo gising ka na?"

"DAD?" Chard

"SUSMARYOSEP KANG BATA KA! KANINA PA KaMI DITO! SAANG MUNDO KA BA GALING?"

Di parin makapaniwala si Chard sa nangyayari hanggang sa ilibot nya ang tingin at nakita ang mga tao sa loob ng kwarto nya.

"Mahal? Ok ka lang ba? Ano ba yung nga pinagsasabi mo?" Deia

"Anong araw ngayon? Anong petsa?"

"Mahal, kaarawan mo ngayon! January 2! Happy Birthday! Chard ok ka lang ba?" Deia

Dali daling bumangon si Chard at niyakap ng mahigpit ang asawa. Nagtaka naman ang lahat dahil maluha luha na ito.

Binigay naman muna ni Deia ang anak  kay Dan at niyakap din ang asawa.

"Oi... Mahal, are you ok? Bakit ka umiiyak? Anong problema?" Deia

Kumalas naman si Chard kay Deia sabay kuha naman kay Dahlia at hinalikan ito. Hinalikan nya rin si Uno at saka isa isang niyakap din ang mga taong nasa kwarto nila. Nagtataka man ang lahat sa mga kilos ni Chard ay hinayaan nalang nila.

"Ah... Im surprised. Thank you for this birthday salubong. Napaiyak nyo ko ah..." Chard

"Asus, akala mo naman kung ano. Eto lang iniyakan pa, pero anak, masaya ako ngayon sa lahat ng nangyayari sa buhay mo, sa buhay ng pamilya mo. Im a proud father coz i know i've raised not just a good son but also a good man, and a i know, you'll gonna be the best husband to your wife and father to your kids. I love you and happy birthday anak." Dad

"Thank you Dad." Chard

"This is Ate Dei's idea. She prepared this for you, Kuya." Riza

Bumaling naman si Chard sa asawa.

"Thank you Mahal." Chard said sabay yakap kay Dei

"Happy birthday! You deserve all of this. Naging mabuti kang anak, asawa at ama kaya bagay lang sayo ito, Mahal. Mahal na mahal ka namin ng mga bata. We love you!" Deia

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now