61

2.7K 148 30
                                    

St. Luke's Medical Center, Ospital, lugar kung saan iba ibang emosyon ng tao ang lumalabas at nararamdaman.

Lugar kung saan nakaramdam
Ako ng labis na saya noong araw na ipinanganak ko ang mga anak ko. Lugar kung saan nagsimula kong isipin ang masaya at masagana naming buhay na pamilya. Yung lugar kung saan una kong narinig ang iyak ng aking mga anak. Yung lugar kung saan nagbago ang buhay naming mag-asawa sa pagdating ng dalawang biyayang bigay samin ng Maykapal.

Pero ngayon, iba ang nararamdaman ko. Walang ni katiting na saya bagkos kalungkutan at takot ang bumabalot sa aking pagkatao. Lungkot dail sa sinapit ng asawa ko, lungkot dahil kaarawan nya ngayon pero eto sya, walang malay at may kung ano anong tubong nakakabit sa katawan nya. Pero mas malaki ang nararamdaman kong takot. Takot sa kung anong hinaharap naming pamilya. Takot sa kalagayan ng aking asawa. Takot na sa amin ay mawala sya.

Pagkatigil ng ambulance sa ER entrance ay bumaba na kami at sinalubong naman ako agad ni Ate April. Sumunod din naman agad sina Daddy at Kuya.

"Natawag na sakin ni Tito Rick. As what i said to Tito, relax lang muna. I'm sure after our doctors see Chard, we can now tell his condition." April

"Sana ok lang sya Ate. Sana walang masamang mangyari sa kanya."

"Ano ka ba, be positive ok? Nothing's wrong. Everything's gonna be ok." April

Diniretso na si Chard sa ER tapos ay nagrin din ng tests ang mga taga St. Lukes sa kanya after ay dineretso na sya sa private room na kinuha ni Dad para sa kanya. Inumaga na kami hanggang sa nakatanggap nalang ako ng tawag na umuwi narin sa bahay namin sina Yaya Fe kasama ang kambal.

"Anak, mabuti pa siguro umuwi na muna kayo ng Kuya Dan mo. You need to change, nakapantulog ka al hanggang ngayon." Dad

Tiningnan ko naman ang suot ko, tama si Dad, naka pajamas pa ako, di ko na napansin kagabi ng bigla ng nagkagulo. I was occupied with mu husband's condition rather than my clothes.

"Ok lang Dad, hihintayin ko nalang na magising si Chard."

"Dei, i think you should do what Tito Chard said. Besides, stable narin si Chard now and the twins, they also need their mom." Ate April

Napatingin ako kay Ate April. Napahawak nalang ako ng uko ko sabay hilamos ng kamay ko sa aking mukha dahil sa frustrations.

"Dad, tawagan nyo po ako kung gising na si Chard. Please Dad."

"I will anak. Wag kang mag-alala. Dan, ingat sa pagmamaneho nak." Dad

"Yes Dad." Kuya Dan

Lumapit naman ako ulit sa natutulog kong asawa at saka humalik sa noo nya.

"Babalik ako, kakamustahin ko lang ang mga bata. Please, sana pagbalik ko Ok ka na. Please Chard. Mahal na mahal kita Dayo." I kissed him once more.

Tumango nalang ako kina Dad tapos ay inalalayan na ako ni Kuya Dan hanggang sa makasakay na kami ng sasakyan pauwi.

Someone's POV

Pagkaalis ni Deia ay tahimik ang buong kwarto. It's just Ricky, April and the unconscious Chard, natapos lang mahabang katahimikan ng magising si Chard.

"Anak? Chard!" Sr

"Dad? Nasaan po ako? Anong ginagawa natin dito?" Mahina na mga tanong ni Chard

"I'll just call the doctor. Tito pakikalma nalang din si Chard." April

Mabilis na lumabas ng kwarto si April. Naiwan naman sa kwarto ang mag-ama.

"You passed out. Sobra kaming nag alala sayo." Sr.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now