2

4.4K 194 24
                                    

Minulat ko ang aking mga mata. Bagong araw na naman. Maliwanag na sa labas. Ngunit ni katiting na sikat ng araw ay di ako dinapuan.

Marahan akong umupo mula sa aking pagkakahiga at nagsambit ng maikling dasal ng pasasalamat sa ating Bathala.

"Mula sa pusong pasasalamat po para sa buhay na inyong ginawad sa inyong tagasunog aking Bathala. Nawa'y gabayan nyo po ako sa pagsasanay at pagtuklas ng panibagong kaalaman. Sa Iyo po'y aking ginagawad ang aking sarili."

Pagkatapos kong magdasal at nakarinig ako ng boses mula sa labas ng aking  silid.

"Eto po ang inyong masugid na aya, aking Bai. Maari po ba akong pumasok?"

Si Lupe iyon ang aking aya (yaya) ang puno ng aliping itinalaga ng aking ama para sakin. Sya kasama pa ng ilang mga  alipin,  ang nangangalaga sa lahat ng aking pangangailangan.

"Pumasok ka Lupe."

Nakayukong pumasok sa aking silid si Lupe. Isang kalapastangan at malaking kasalanan kasi sa isang alipin o aya na tumingin sa amin ng diretso.

"Ihahanda na po namin ang inyong pampaligo Mahal na Bai. Humiling po ang inyong Ama na makita at makasama kayo sa agahan."

Napuno ako ng galak. Minsan at mga piling okasyon lamang kasi ako nakakalabas ng aking balay (bahay) at bihirang pagkakataon ito.

"Anong araw ba ngayon at anong okasyon at pinatawag ako ni Ama? Wala naman akong maalalang ritwal na natapat sa araw na ito, Lupe."

"Wala rin pong dahilang sinabi ang mensahero ng inyong Ama, Bai Deia. Marahil nasabik lang ulit ang mahal na Datu na makitang kompleto kayo ngayon."

Nabigla ako sa nasambit ni Lupe. Maaari kayang...

"Dumating ba ang aking mga kapatid Lupe?"

Nakangiti ako habang hinihintay ang sagot ng aking aya.

"Opo Bai Diea. Dumating kagabi ang mga Ginoo at si Bai Dayan. Kaninang bukang liwayway naman po ay dumating ang panganay nyong kapatid na si Bai Anna kasama ang kanyang asawa't anak mula sa patag."

Di ko mawari ang aking naramdamang pananabik.

Lima kaming magkakapatid. Panganay si Ate Anna, sumunod si Kuya Niko, ang kapatid kong si Dayan, ako ang sumunod at ang bunso ay si De-an.

Sa aming lahat, ako lang ang di nakakalabas at nakakapunta sa patag. Di rin ako tulad nilang may kalayaan. At bilang ako ang bunsong anak na babae ay di na ako tumutol pa sa pagiging isang binukot.

Ngunit nakakalungkot lamang at minsan lang kami magkita kita ng aking mga kapatid. Lahat sila ay sa patag na nag-aaral at nagka pamilya, kaya minsan nalang sa isang buwan o minsan naman eh isang beses sa tatlong buwan lang sila umuwi para dumalaw.

"Kung ganoon ay magmadali ka Lupe. Nasasabik na akong makita ang aking mga kapatid. Maging ang aking pamangkin. Sigurado akong malaki na si Mateo ngayon. Ihanda ang paburito kong saya at patadyong Lupe. Pakitawag narin si Malesa. May gusto akong hilingin sa kanya.

"Masusunod Bai Deia."

Narinig ko namang bumukas ang pinto at pinatawag ni Lupe sa kawal ang taong gusto kong makausap. Pagkatapos ay hinarap naman nya ang kanyang mga kasama.

"Narinig nyo ang mahal na Bai, ihanda ang lahat ng kanyang kailangan." Sambit ni Lupe sa kanyang nga kasama.

Nakarinig naman kami ulit ng boses mula sa labas, ambilis naman nya ata.

"Mahal na Bai, ito po ang inyong guro. Maari po ba akong pumasok?"

So Gurong Malesa iyon. Sya ang nagtururo sakin ng lahat ng dapat kong malaman. Kultura, tradisyon, kagandahal asal, pagsulat, pagbasa, pagbilang, . . Simula pang musmos ako ay sya na ang guro ko.

"Pumasok ka Malesa."

Mabilis namang sinarado ni Lupe ang pintuan pagpasok ni Malesa.

"Magandang araw po mahal na Bai. Aking paumanhin po, kayo palay naliligo." Hinging paimanhin ni Malesa

"Wag kang mag-alala Malesa, hindi kita ipapahamak sa aking ama.."

"Salamat po mahal na Bai." Napabuntong hininga si Malesa

"Malesa, may sasabihin ako sayo."

"Kahit ano po Mahal na Bai, nakikinig po ako." Nakayokong sambit ni Malesa

"Ipagliliban ko  muna ang aking pag-aaral ngayong araw Malesa."

"Hindi ko maari-..." Di ko na pinatapos si Malesa

"Pinatawag ako ni Ama sa kanyang balay. Dumating kagabi at kaninang bukang liwayway ang aking mga kapatid. Inimbitahan nya akong kumain ng agahan kasama nila."

Natahimik si Malesa at napangiti.

"Naiintindihan ko po Mahal na Bai, kung ganoon ay ibibigay ko po ang araw na ito sa inyo ng mga kapatid mo. Ngunit wag nyo po samang kalimutan ang lahat ng pinag-aralan natin." Paalala ni Malesa

"Hinding hindi ko yun malilimutan aking Guro. Nakaukit na ata sa aking isip ang mga pinagbabawal gawin ng isang Baing Binukot."

"Kung ganoon po ay hahayo na po ako mahal na Bai Deia. Sanay maging masaya ang araw nyo ngayon. Aalis na po ako." Paatras na pamamaalam ni Malesa.

Nagpatuloy lang ang aking mga aya sa pagpaligo sa akin. Pagkalipas ng ilang sandali ay umahon na ako at nagbihis. Pinasuot nila sakin ang saya at patadyong na gawa sa satin at inadornohan ng makukulay na disenyo. Pinagsuot ng gintong alahas na mula pa sa aking mga ninuno. Pinabanguhan ng pabangong binigay sa akin ni Ate Anna. At sa huli ay sinakloban ng satin na kulay gintong talukbong na dumapat na sa sahig upang mata ko lang ang makita at di ako masikatan ng araw.

Pagbukas ng aking silid ay ang mga nakayukong katulong, kawal at aya ko ang tumambad sakin.

"Magandang umaga Bai Deia." Bati ng lahat sa akin

"Magandang umaga din sa inyong lahat. Nagpapasalamat ako kay Bathala at andito ang aking mga tapat na tagasunod." Usal ko.

"Ihanda na ang duyang gagamitin ng Bai, tayo'y pupunta na sa bahay ng Datu." Lupe

Umupo na ako sa duyan at inayos naman nina Lupe ang aking damit. Hindi ako gumagamit ng kahit anong pansapin sa paa ngunit di rin ako pwedeng umapak sa lupa kaya Duyan ang ginagamit upang mapunta ako sa lugar na pupuntahan ko. Lumapit ang mga kasama ni Lupe na may dalang tubig na may halong pabango langis at isang pamunas.

Isang kaugalian din kasi na bago umalis ng balay ay huhugasan mina ang paa ng isang Bai at bago iaapak ang paa ko sa balay na aking pupuntahan ay huhugasan ulit ito.

Pagkatapos punasan ay pinaloob ko na sa aking talukbong ang aking mga paa at kami'y humayo na sa balay ng aking ama.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now