19

3.2K 200 30
                                    

Tahimik na inaayos ni Chard ang gamit pagka uwi nya matapos ng pagkikita nila ni Deia sa Sagradong Balon.

He is zipping her backpack when Sam wake up and noticed what he is doing.

"Oh, tambay ka sa labas? Hatinggabi na ah."

"Inaayos ko lang gamit ko. I'll leave first thing tomorrow."

"Ha? Bakit?" Nagtaka na si Sam. Sa kinikilos ng kaibigan ay alam na nyang may problema ito.

"Nasa taas ako ng puno kanina then suddenly nagka signal. Dad called may emergency daw." Walang ka energy energy na sabi ni Chard sa kaibigan.

At tama nga sya. May mali sa kaibigan nya. Alam nya dahil nasa kanya ang cellphone ni Chard at hindi pa nito kinukuha sa kanya mula ng dumating sila sa Amansina.

"Nakapagsabi ka ba kay Niko?"

"I'll ask him tomorrow morning. Papahatid narin ako sa kanya."

"Sabay narin ako sayo pauwi."

"No! You can stay here Sam. Enjoy the rest of our vacation. Ano ka ba ok lang ako."

Ngumiti ng pilit ang si Chard.

"Are you sure?"

"Oo naman."

"Bro matagal na tayong magkaibigan. Alam kong may problema. Wanna talk about it?"

Nakatingin lang si Chard sa kaibigan.

"Si Deia ba?"

Tumango lang si Chard. Hinintay lang ni Sam na magsalita ang kaibigan.

"We talked. We saw each other."

"You... What? How? When? Where?"

"Sh*t na... Ba't di mo na dagdagan ng why Samir para kompleto na?"

Mabigla ang dalawa ng marinig na nagsalita si Niko. Pareho silang naestatwa sa kanilang kinauupuan.

"Niko...."

"I heard everything. Don't worry, di ako galit. I even send your guards away. All i want you to do is talk be honest with me Bro."

Naupo narin si Niko sa tabi nila.

"Remember the night before i got sick? That's the first time we saw each other. I was bored that time and hindi ko alam kung bakit napunta ako sa Sagradong Balon. Di ko rin naman alam na darating sya. I was relaxing doon sa pool when i hear her soft laughters."

Napangiti ang Dayo sa naalala.

"Then i saw her. Tama ka Nick. Beautiful is an understatement. I thought she's a Goddess. Hinayaan ko lang syang gawin yung pakay nya. Kuntento na akong makita sya kahit sa malayo but here comes the accident. Muntik na syang matumba kung di ko sya nasalo. Akala ko nga isusumbong nya ako pero hindi nya ginawa. Hindi nga nya ako sinumbong pero pinaulanan naman nya ako ng sermon bago sya umalis. Sorry Nick but i fell in love with her. Noong una akala ko crush lang but when this Migel and after his threat, i got scared of her safety Nick. Alam ko kaya nyang ipagtanggol yung sarili nya but hindi maalis na matakot ako para sa kanya.  Doon ko na realize na mahal ko na sya Nick. Mahal ko na yung kapatid mo."

New World With Him [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum