34

5.4K 215 28
                                    

Buong weekend sila sa ancestral house nina Chard. Wala din naman silang masyadong nagawa dahil nga sa nagyari pero nag-enjoy naman si Deia sa mga kasama niya.

Nagba byahe na ang mag-asawa pabalik sa bahay nila ng hawakan ni Chard ang kamay ni Deia.

"Nagmamaneho ka, . ." Deia

"Just let me, by the way, may surprise ako sayo mamaya." Chard

"Surprise? Ano?" Excited na tanong ni Dei

"Makikita mo rin mamaya sa bahay. At alam kong masisiyahan ka ng sobra sa surpresa ko." Chard smiled

"Dapat lang. Hmmm, bakit pala mas naunang umuwi sina Yaya kahapon? May problema ba sa bahay? Kahapon ko pa sana itatanong to sayo pero nakalimutan ko na eh."

"Wala, may pina asekaso lang ako. Hmmm, nag-enjoy ka ba?" Chard

"Oo naman. Sobra! Ang babait ng mga kapamilya mo eh." Kita ni Chard ang saya sa mata ng asawa

"Natin. Deia, asawa na kita at pamilya mo narin sila. Masaya na nga ako at mas close ka na sa kanila. Nagseselos nga ako kasi mas matagal mo silang kasama kesa sakin eh. Mahal mo na nga ata sila kesa sakin eh." Chard

"Alam mo napaka seloso mo talaga. Pamilya nga natin sila diba? Wala kang dapat ipag selos sa kanila. Oo mahal ko narin sila pero mas mahal kita kesa sa kanila." Sabay ngiti ni Deia

"Talaga?" Chard

"Oo." Deia

"Talagang talaga?" Chard

"Talagang talaga." Deia

"Talagang talagang talaga?" Chard

Dahil sa kakulitan ng asawa ay mabilis na inalis ni Deia ang seatbelt at hinalikan si Chard ng mabilis sa labi.

Napa preno ng wala sa oras si Chard. Mabuti nalang at malayo pa ang kasunod nilang sasakyan.

bumalik din agad sa pagkakaupo si Deia at inayos yung seatbelt.

"Mahal kita, talagang talagang talaga! Naniniwala ka na?" Deia

"Pwede sa susunod na gawin mo yun mahal kapag di ako nagmamaneho o di kaya nasa bahay tayo o kahit saan basta wag sa sasakyan. Yung di tayo maaksidente. Gusto ko pang mabuhay tayo at magka pamilya mahal. Gusto ko pang makita mga anak natin, mga apo, mga-----."

Di na natapos ni Chard ang sasabihin ng biglang takpan ni Deia ng kamay nito ang bunganga nya.

"Kumalma ka kaya mahal. Hingang malalim." Deia

"Mahal sayo ata ako mamamatay eh." Chard

Napatawa nalang si Deia, at ilang sandali pa ang lumipas ay sabay na silang tumatawa.

"Umuwi na nga tayo." Deia

"Mahal pwede sa bahay mamaya ulitin mo? Di ko nasulit dahil sa bigla eh." Chard

"Namimihasa ka na ah." Deia

"Di naman. Tsaka may surprise naman ako sayo diba?" Chard

"Sige, kapag ako napaiyak sa tuwa sa supresa mo, pagbibigyan ko ang hiling mo," Deia

"Eh paano kung hindi?" Chard

"Hmmm, edi wala..." Deia

"Ano ba yan? Dapat siguro yung sibuyas yung bibigay ko sayo para maiyak ka mahal, ang hirap mo pa namang paiyakin." Chard

"Di rin. Kung alam mo yung mga nagpapasaya sakin mapapaiyak mo talaga ako." Deia

"Tingnan natin mamaya." Chard

"Ewan ko sayo." Deia

Nagda drive lang si Chard at nakatunghay naman sa bintana si Deia at nagbabalik tanaw sa mga panahong nasa Amansina pa sya.

"Alam mo, noong nasa Amansina ako, sa libro ko lang nakikita ang mga to. Parang ang ganda kasi dito sa patag kapag titingnan mo sa mga picture." Deia

"Hmmm, bakit di ba maganda sa personal?" Chard

"Maganda naman kaso iba yung hangin dito eh. Ok doon sa Village pero dito sa labas di ko gusto, parang di ako makahinga." Deia

"Marumi na kasi ang hangin dito kaya ganoon. Kaya nga kapag wala akong trabaho doon nalang ako sa bahay." Chard

"Nami miss ko na ang Amansina, mga magulang ko, nga kapatid ko, si Mateo." Deia

"Ako din naman. Miss ko narin sila. Si Sam andoon pa nga rin eh. Miss ko na sila ni Niko." Chard

"Malapit narin naman sila umuwi dito diba?" Deia

"Oo. Pero ok narin kahit wala si Sam at Niko." Chard

"Ha? Bakit naman? Eh nahihirapan ka sa pagmanage ng negosyo nyo dahil on leave sila." Deia

"Ok lang wala sila basta anjan ka. Kaya wag kang aalis sa tabi ko. At wag mo kong iiwan kasi baka di ko kayanin. Ok?" Chard

"Di ako aalis.... Di kita iiwan." Deia

"I love you Bai." Chard

"I love you Dayo." Deia

Ang nagtravel na sila pauwi.





short UD for you! Have a blessed sunday guys! Yabuu!

Next chapter is yung surprise! Ano kaya yun? Ano hula nyo?

-Z

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now