56

3.7K 168 6
                                    

Dec. 17, 2017

"Daddy! Bilis na! Male late na tayo eh." Sigaw ni Deia sakin mula sa living room. Paano kasi, nasa nursery pa ako.

"Saglit lang Ma, tinitingnan ko lang baka may mga kulang sa gamit ng mga bata. Mamaya may wala pala tapos kailangan natin wala tayong nahugot." Ganting sigaw ko naman sa kanya.

"Mahal? Siguro may sampung beses mo na yang naicheck! Halika na, naghihintay na ang nga bisita sa Chapel!"

Nagmamadali naman akong bumaba. Nakasukbit sa kaliwang balikat ko ang diaper bags ng kambal habang hawak ko naman ang dalawang baby Carriers nina Uno at Dahlia.

"Si Ate Pia ba nakatawag sayo? Im calling her phone since this morning. Di ako sinasagot." Habang palabas kami ng bahay.

"Nakausap ko sya kanina through Ate April. Busy daw sya masyado kaya di na nya nacheck yung phone nya. Di na nga magkandaugaga ang tao eh. Tsaka she assured me na everything's gonna be fine. Relax nalang daw tayo at sila na ang bahala." She said sabay kuha ng bag ni Dahlia sa akon.

"No, ako na Mahal. Pero kasi syempre, gusto ko perfect lahat. Walang magiging problema. Syempre this is for our twins. They deserves the best of everything!"

"Mahal, i trust Ate Pia and the team she hired. They are the best in their fields so relax, ok?" Pagpapakalma nya naman sakin ng sumakay kami sa sasakyan. I'm driving at sya yung nasa passenger seat. Nasa likod naman yung kambal kasama sina Yaya Fe at Yaya Vergie.

If your wondering where we are going? Sa Chapel. Coz today is their christening! Binyag ng mga bata. Gusto kasi namin ni Deia na pa binyagan sila bago ang pasko. Para makapag simba kaming buong pamilya pagsapit ng pasko.

"Mahal, parang ang bilis ng panahon no? Magdadalawang buwan na ang kambal tapos binyag pa nila ngayon, sa susunod na mga araw magbi nirthday na sila. Tapos mag-aaral na. Tapos baka di natin mamalayan, may ipapakilala na silang girlfriend at boyfriend tapos magpapaka...." Deia

"Hoy! Mahal! Masyado ma naman  advance! Dalawang buwan pala sina Uno at Dahlia... Kasal agad? Aba! Di magpapakasal ang anak ko hanggang di pa nagtrenta! Ano sila? Si Uno pwede na kapag mga 25 pero di ang Bai. Trenta! yun baka pwede na." Dadaan muna sila sa butas ng pinakamaliit na karayom bago nila makamit ang pinakamatamis na Oo ng prinsesa ko.

"Ay grabe ka Mahal. Trenta talaga?" Deia

"Oo naman. Off limits si Bai hanggang mag-30 sya. Madami dami din kaming magbabantay sa kanya Mahal. Walang makakalusot."

"Mukhang tatandang dalaga tong Bai namin ah. Strict si Daddy eh." Natatawang sabi naman ni Deia

"Naku Ricardo, yang mga galawan mong yan. Aba ang hirap tumandang dalaga. Tsaka aba ikaw ba pinagbawalan ka  ng daddy mo na magmahal?" Yaya Fe

"Di po."

"O yun naman pala. Hayaan nyo lang ang mga anak nyo. Supportahan at gabayan nyo. Hindi yung nadami kang pinagbabawal. Alam kong lalaking matalino ang mga anak nyo kaya wala kang dapat ipag-alala." Yaya Fe

"May point si Yaya Fe, Mahal. Pero wag na muna nating isipin yun, sa binyag muna tayo nila mag concentrate." Deia

"Sa binyag muna."

Hanggang sa makarating na kami sa chapel. Dito lang kasi sa Chapel ng Village ang binyag kaya mas convenient samin.

Pagpark ko palang ay kitang kita na ang dami ng tao sa loob.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now