50

4.4K 205 17
                                    

"And they live happily ever after..."

Nasa lanai kami ngayon, nagpapahangin. Nakaupo ako sa sofa doon habang sya naman nasa sahig umuupo at nakaharap sa tyan ko. Binabasahan nya kasi ng stories ang kambal kaya pachill chill lang kami. Hobby na namin yun lalo na kapag wala naman syang mahalagang gagawin sa opisina eh pinapadala nalang nya yung mga kailangan sa bahay at dito nalang gagawin kapag tulog ako. Lalo na ngayong 8 months na ang kambal eh mas ayaw na nyang malayo sakin.

"Anong oras na ah, bat wala...." Tinin ni Chard sa relo nya. Ilang beses pa nya itong ginagawa.

"May hinihintay ka ba Mahal?" Para kasi syang may hinihintay eh.

Napatingin naman sya sakin at eksakto namang paglabas ni Yaya para tawagin sya.

"Chard?... Chard! Andito na." Yaya Fe

"Yung deliveries Ya?" Chard

"Oo, tatlong truck ang nakahilera sa labas. Ano ba yung binili mong bata ka at parang ang dami?" Yaya De

"Basta po. Papasok mo nalang po Ya, sa  taas mo na padiretso, aakyat ako maya maya, tatapusin lang namin ni Misis tong meryenda namin." Chard

"Sige, ako na bahala." Sabay alis naman ni Yaya Fe

Napabaling naman sya sakin ng may mga ngiti sa labi.

"Anong ngiti yan? Jan ako kinakabahan."

"Nope, i'm just happy kasi dumating na yung kanina ko pa hinihintay. You'll love it." Confident nyang sabi

"Tingnan natin."

After meryenda ay umakyat na kami dahil inaantok na ako, pero nawindang ang buong sistema ko pagakyat namin sa taas. Andaming kahon na nakahilera, tapos may mga tao pang nagdadala ng mga kahon.

"Anong nangyayari? Maglilipat ba tayo Mahal?"

"No, lika na sa kwarto, hayaan mo na muna silang gawin ang trabaho nila. Magpahinga ka muna para makapagpahinga rin sina Baby, ok?" Chard

Kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari ay sinunud ko nalang si Chard at nagpahinga nalang ako sa kwarto.

After some time.........

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Dahan dahan naman akong bumangon at nakita kong nag-aayos si Yaya Fe sa kwarto namin.

"Oh, gising ka na pala, may gusto ka bang kainin o inumin?" Yaya Fe

Napangiti nalang ako.

"Wag na po kayong mag-alala Ya. Ok lang po ako. Si Chard po?" 

"Andoon sa nursery nagkukulong." Yaya Fe

"Nursery po?"

"Oo, Magdadalawang oras na yun doon at di lumalabas, ayaw din kaming papasukin ewan ko ba doon sa asawa mo." Yaya Fe

"Sige po, ako na bahala. Puntahan ko lang."

Dahan dahan naman akong pumunta sa connecting door ng nursery at kwarto namin sa maliit na bukas ng pintuan ay nakita ko agad sya na nakaupo sa gitna ng kwarto at may hawak na papel habang may mga gamit na nakakalat sa paligid nya. Pinagmasdan ko lang sya sa kanyang ginagawa hanggang sa mamartilyo na nya pati yung kamay nya.

"Aray... Woah... Hindi, kaya ko tong tapusin mag-isa, para sa mga anak ko." Chard said sabay balik sa trabaho

"Maari ka namang magpatulong eh, di mo naman kailangang gawin yan lahat ng mag-isa." Sabay lapit ko sa kanya at hawak sa balikat nya.

"Oh, kamusta tulog ng mga babies ko?" Sabay halik sa tiyan ko.

"Mabuting mabuti pero ikaw naman ata ang di nakapagpahinga, Mahal."

"Tinatapos ko lang tong crib ng kambal. Gusto ko kasi, ako ang mag a- assemble nito, kasi gusto ko lahat ng bagay na para sa anak natin ako ang gagawa. Gusto ko kahit sa simpleng bagay na to mapadama kong mahal na mahal ko sila." Then inalalayan nya akong maupo sa kandungan nya.

"Di mo na kailangang gawin yan kasi alam kong alam na nila at nararamdaman nila ang pagmamahal mo sa kanila ngayon palang. Pero salamat Mahal, salamat sa lahat ng ginagawa mo para samin ng nga bata."

"Eto ang tandaan mo, lahat gagawin ko para sa inyo dahil mahal na mahal na mahal ko kayong tatlo." Sabay kiskis ng ilong nya sa ilong ko.

"At mahal na mahal na mahal ka din namin ng mga bata." Sabay halik ko na sa kanya.

Napangiti nalang si Chard dahil sa ginawa ko. Ngiting may kasabay na pamumula ng tenga.

"Tiyak matatapos ko na to. May pampagana na eh." Chard

"Baliw! Ewan ko sayo!"

Natatawang balik trabaho na ulit sya.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now