52

5K 202 33
                                    

Maine's POV

"Good morning! Breakfast is ready."

Nagising ako sa boses ng asawa ko.

"Good morning. Mahal patulong, parang... Nangangalay na yung balakang ko." Kanina ko pa to iniinda pero syempre malaki na ang mga bata kaya mabigat narin. Normal lang naman daw sabi ni Ate April.

"Ok ka lang ba? Saan masakit?" Chard

"Ok lang ako, nangangalay lang pero ok, kain na tayo."

Nagbreakfast na kami tapos ay pahinga saglit then naligo na ako bago bumaba. After my morning rituals ay bumaba na kami ng asawa ko.

Lakad lang ako ng lakad sa buong bahay. Si Chard nakasunod lang din,

"Mahal, ba't di ka kaya umupo." Chard

"Di, ok lang, nawawala yung pangangalay kapag naglalakad lakad ako eh. Tsaka sabi nga ni Ate diba, magwalking para madali sa labor."

"Sige pero may gusto kang kainin?" Chard

"Gatas mahal, gusto kong uminom ng gatas..."

"Sige saglit ipagtitimpla kita." Chard

"Ako na Chard, eh massage mo kaya yung likod ng asawa mo ng mabawasan yung pangangalay." Yaya Fe

"Salamat Ya." Chard

Nilapitan naman ako ni Chard pero lumayo lang ako sa kanya.

"Oh, mahal bakit?" Pagtataka ni Chard

"Gusto ko maligo. Parang ang init."

"Ha? O sige, lika sa taas." Chard

Buong umaga ay mga naka tatlong beses akong naligo. Tapos ngalay na ngalay na yung balakang ko. Pagka tanghalian ay sabaw at kunting kanin lang din ang kinain ko. Hanggang sa nagpaalam si Chard na pupunta sa opisina dahil may kukunin.

"Mahal, saglit lang ako aa opisina, may pa papirmahan lang si Niko at Sam na importante." Chard

"Sige."

"Mahal sigurado ka bang ok ka lang? My masakit ba sayo?" Chard

"Wala, nangangalay lang talaga yung likod ko. Normal lang."

"Sure? Kasi kung ano tatawagan ko na si Ate April." Chard

"Wala lang to. Sige na punta ka ng opisina."

Pagkaalis ni Chard ay sa garden naman ako nag-ikot ikot. Mga tatlong ikot ko sa swimming pool ng samahan ako ni Ate Vergie.

"Maam, ok lng ba kayo? Grabe pawis nyo? Pasok na po tayo, masyado pong mainit dito." Ate Vergie

"Siguro nga po. Parang gusto ko ulit maligo."

"Ha? Naka apat na ligo na po kayo ah.. Ate vergie

"Parang ang init po kasi eh."

"Ganoon po ba Maam? Oh sige po alalayan ko na po kayo." Ate Vergie

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now