33

5.3K 227 30
                                    

Nagising ako sa mga boses na parang nagbubulungan at mahinang hikbi.

"Baste, tell me, anong prank yung ginawa mo kay Tita Dei?" It's Ate Sheila, Baste's mother and Chard's cousin.

"Wala. Nagtalk lang kami tapos magplay." Baste said innocently

"Be honest Baste, or magagalit na si Mama sayo." Banta ni Ate Sheila sa anak.

Umiiyak narin si Baste dahil sa takot sa Mama nya. Naawa tuloy ako sa bata.

"Wala pong prank Mama. Nagplay lang po kami tapos nag-ask ako kay Tita na mawalk kami sa grass at magplay." Humihikbing salaysay naman ng bata.

"Pero bakit nagbleed ng ganyan ang paa ni Tita Dei mo?" Ate Sheila

"Ate... Wag nyo pong pagalitan si Baste. Wala po syang kasalanan. Ganito lang po talaga kaming nga binukot. Masyado po kasing manipis ang balat namin sa paa dahil naitatapak ng madalas kaya mabilis na nasusugatan kahit damu lang. Wala pong kasalanan si Baste." I said habang pinipilit na umupo. Mabilis naman akong tinulungan ni Chard na sumandal sa headrest.

"Kahit na Dei, eh si Baste din yung nagsabi sayo na tanggalin mo yung sapatos mo kaya sowehow, may kasalanan din sya. Say sorry na kay Tita Dei, Baste." Ate Sheila

"S-sorry po Tita Dei." Namumula  na yung bata sa kakaiyak.

"Hug and kiss mo nalang si Tita para mabilis ako gumaling."

Mabilis naman akong niyakap ng bata at hinalikan sa aking mga labi.

"Hoy! At talagang kailangan may kiss sa labi, Sebastian!!!!!!" Chard said at napatayo pa sabay tingin sa pamangkin nito.

"Eh love ko naman si Tita Dei eh. Kaya kiss ko sya." Baste

"Hindi pwede. From now on! No kissing na sa lips ni Tita Dei, Ok?" Chard

"Chard! Pati ba naman bata papatulan no?"

"Eh sumusubra na eh. Ok lang hugs and kiss sa cheeks. Sa cheeks lang!" Chard

Tiningnan ko nalang ng masama si Chard at tiningnan ulit si Baste. Mukha na itong iiyak ulit.

"Wag ka na iyak, nagbibiro lang si Tito Chard. Smile na ikaw para pogi."

"Love mo si Baste, Tita Dei?" Baste

"Oo naman. Love ka ni Tita. Love na love."

"Love mo rin si Tito Chard?" Baste

Nagkatinginan kami ni Chard at nakangiti ng nakakaluko ito sakin.

"Oo naman."

"Eh sino mas love mo? One lang dapat." Baste said na nakakuha naman ulit ng matalim na tingin mula sa aking asawa.

Nagkatinginan pa silang dalawa ng masakit.

"Di ba pwede pareho ko kayong mahal? Pati si Samsam at Ate Ryzza."

"Talaga pati si Sam at Ate?" Baste

"Oo naman. Pati sina Lola, sina Lolo, sina Tita at Tito. Lahat kayo love ni Tita Dei. Ok?"

Tumango naman si Baste sabay halik ulit kay Dei sa labi sabay takbo palabas ng kwarto.

"SEBASTIAN!!!!!!!!!!" Sigaw ni chard na rinig pari sa labas ng bahay.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now