6

3.2K 166 21
                                    

Pagkatapos kong magpaalam sa aking pamilya ay dumaan muna kami sa balay ng aming punong babaylang si Apo Sarang. Malapit ako sa kanya dahil naging guro ko din sya sa panggagamot noong bata pa ako.

Ako na ang pumunta sa kanya dahil matanda narin sya at di na nya kayang umakyat pa sa aking balay para bisitahin ako. Nag-usap at nanalangin lang kami saglit at ako'y nagpaalam narin para umuwi.

Habang pabalik kami sa aking balay ay tiningnan ko ng mabuti ang aking paligid.

Ilang linggo o buwan kaya bago ko ulit makita ang magandang tanawing ito?

Nakita kong may papag na maliit sa ilalim ng puno na nakaharap sa kabundukan sa aming daraan kaya't naisipan kong tumigil muna.

"Lupe, maaari ba muna tayong tumigil sa papag na iyan?"

"Ngunit Mahal na Bai, kailangan nyo na pong bumalik sa inyong balay, hindi kayo maaaring tumagal dito sa labas."

Alam kong yun ang sasabihin ni Lupe. Bawal akong magtagal sa labas.

"Lupe ilang linggo din akong hindi nakalabas. Ilang linggo ko ding hindi nakita ang napakagandang tanawing ito. Kunting panahon lang ang hinihingi ko Lupe, gusto ko lang ulit tunghayan ang larawang ginuhit ni Bathala gamit ang kanyang mga kamay. Kunting panahon lang Lupe."

Narinig kong napabuntong hininga ang aking masugid na tagapangalaga.

"Lani, Desa, kumuha kayo ng mga tela at unan sa balay ng Bai, kunin nyo nadin ang isa pang pamayong ng Bai, hindi sya pwedeng mainitan kahit naka talokbong sya. Bilisan nyo."

Napangiti ako kay Lupe, talagang di nya ako kayang tiisin.

"Maraming salamat Lupe."

Nakayukong ngumiti lang sakin si Lupe. Ilang saglit lang ay dumating naman sina Lani at Desa dala ang mga gamit na Pinakuha ni Lupe. Mabilis naman nilang inayos ito at bumaba na ako para maupo.

"Hindi nyo na ako kailangan payongan pa Lupe. Nalililiman ng punong ito ang akong inuupuan. Kung maari'y gusto ko munang Ikaw lang ang lumapit sa akin."

"Masusunod Aming Bai. Narinig nyo ang Bai." Sambit ni Lupe sa kanyang mga kasama at naupo ito sa bandang likoran ko.

Tahimik lang akong naupo sa papag at tinunghayan ang paligid.

"Di ba'y masyadong payapa Lupe?"

"Opo mahal na Bai."

"Alam mo bang hiniling ko noon sa aking Baba na gawan ng bintana ang aking balay? Alam kong imposible ngunit aking sinubukan."

"Alam ko po Bai."

"Ngunit sa huli'y nabigo parin akong mapapayag sya. Isa sa mga dahilan kung bakit ako lubhang nagagalak kapag ako'y lumalabas ay ito. Ang tanawin ng bundok ng Cordillera. Maaring isang kababawan lamang sa iba ngunit para sa kagaya ko'y langit na sa pakiramdam ang matunghayan ito, ang madampian ng lamig ng simoy ng hangin kahit manlang ang aking mga mata ay nakakabigay na ng walang hanggang kasiyahan sa akin. Sa buong buhay ko, ilang beses pa lamang ba akong nakalabas ng aking balay Lupe? Maaari pa nga sigurong mabilang sa aking mga paa at kamay. Alam kong ito na ang nakatadhana sakin mula pa lamang ng ako'y isinilang, ngunit minsa'y nalulungkot din ako. Wala akong kalayaang gawin ang gusto ko, wala akong kalayaan puntahan ang mga lugar na nais ko. Ngunit iniisip ko rin, napakapalad ko Lupe. Ipinanganak bilang dugong bughaw, pinalaki sa buhay na hindi natatamasa ng marami, binigyan ng karunungang hindi naibigay sa karamihan, binigyan ng mga tagasunod at tagapangalagang palaging nandyan para sa akin, at binigyan ng pamilyang mapagmahal. Maraming dahilan para maging malungkot ako Lupe ngunit mas marami akong dahilan para maging masaya."

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now