~ 50 ♡ Ganern ♡

Start from the beginning
                                    

So romantic.

Inilahad nya ang kamay nya sakin tanda na gusto nyang makipagsayaw sakin.

Walang pagdadalawang isip kong tinanggap ang kamay nya. Hinalikan nya ako sa noo at dahan dahan kaming nagsayaw sa saliw ng magandang tugtugin na sumasabay sa mahihinang hampas ng alon ng dagat at sa liwanag ng buwan.

Sa mga oras na to ay wala nakong mahihiling pa kundi ang makasama sya hanggang sa pagtanda namin.

Ang gumaling sa sakit ko. Yes. Nung isang linggo ko pa nalaman na may sakit ako at ang katotohanang yun ang pilit kong nilalabanan. Pero sa kabila nun, tinanggap ko. Para kay Ice. Sya ang dahilan kaya ako lalaban. Pero bago yun, kailangan kong magsakripisyo para saming dalawa. Three-days from now nakatakda ang pag alis ko. At kung kailan ako babalik, hindi ko alam. Walang nakakaalam. Pero isa lang ang ipinangako ko sa sarili ko. Na babalik ako. Babalik ako para sa lalaking mahal ko.

Para sa kanya lalaban ako. Aalis ako na walang nakakaalam ng tunay na dahilan kundi ang pamilya ko lang at nangako silang hindi nila ito sasabihin kay Ice. Ayoko. Ayokong malaman nya. Ayokong masaktan sya at mag alala sya sakin. Ayokong masaksihan nya ang unti unting paglagas ng mga buhok ko. Ayokong makita nya ang unti unting pagpanget ko. Natatakot akong iwan nya ako at ikahiya nya kaya kailangan kong ilihim sa kanya lahat.

Sobrang sakit ngayon ng nararamdaman ko. Hindi ko alam na aabot ang lahat sa ganito. Bakit ako nagkaron ng ganitong sakit? Gagaling paba ako? Makakabalik paba ako? Yan ang gabi gabing tanong sa isip ko.

Pero ngayon. Kailangan kong sulitin ang mga araw na makakasama ko sya. Na maging masaya kami para magkaron pa ako ng mga magagandang alaala na babaunin ko pag alis ko para magkaron pako ng lakas ng loob na lumaban.

"Iloveyou.. your the only one i need" he said all of a sudden while we're dancing under the moonlight.

Maya maya ay tumigil kami sa pagsasayaw at tumanaw sa kabuuan ng malawak na dagat.

"Talaga? Ako lang at wala ng iba?" Tanong ko habang nakayakap sya sakin habang nakatalikod ako sa kanya.

"Uhmm.. I promise.. now and forever" pagkasabi nya nun ay lihim na pumatak ang mga luha ko ng walang pahintulot. Ang sakit sa dibdib.

Ang tanging nasa isip ko lang ay 'Lord..Please Help me.. Heal me' at ang mga katagang palagi kong binibitawan sa isip ko sa twing titingin ako sa mga mata nya.

'Im sorry..'

*

Naputol ang mga iniisip ko ng biglang may yumakap sa akin.

Hindi ko man makita kung sino sya, pero alam kong si besty sya kaya kusa nakong nag iiyak habang nakakulong sa dibdib nya. Wala nakong pakealam pa kung nadudumihan ko na ang damit nya at kung nasaan pa kami. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa twing maaalala ko ang mga araw na pinagsamahan namin ni Ice nung kami pa, nung hindi ko pa sya iniiwan.

"She.. please don't cry na.. nasasaktan din kami pag ganyan ka" rinig kong sabi ni gen at naramdaman ko nalang na inaakay na nila ako palayo sa taong minahal ko at dahilan kung bakit ako nasasaktan sa mga oras nato.



. . . . . .

~ Lyca

From dude:

Dude.. I'm sorry. Di ako makakasabay mag lunch. Papunta na dyan si maimai.. see you later..

Wow. Just wow! Grabe naman talaga! At saan naman kaya sya pupunta? Sinong kasabay nya aber???

Tsk. Ang babaeng yun talaga!

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now