"Pa tama na.. ako.." tumingin sila sakin. 

"ako ang may kasalanan ng lahat ng ito." ani ko at patuloy sa pag-iyak.

Walang kasalanan si Cyrus. Hindi niya dapat inaako ang pagkakamaling ako ang may gawa.

"Wala ka talagang silbi." ito ang mga masasakit na salitang huling sinabi ni papa bago siya umalis ng kwarto.

Nagpatuloy ako sakin pagtangis.

Sana, sana hindi nangyari ito. Hindi lang buhay ko ang nasira dito kundi pati na rin ang dalawang taong nagmamahalan.

Tricia will not forgive me.

They will not forgive me.

Sinundan ni mama ang aking ama at naiwan kaming dalawa ni Cyrus. 

Tanging pag-iyak ko lamang ang naririnig sa mga oras na iyon. Nauubusan ako ng mga salita na hindi ko kayang mailabas ang tunay kong nararamdaman. Walang makakaintindi ng isang damdamin nagkamali at pinagkakaisahan ng lahat. 

Pakiramdam ko wala akong karapatan na mangatwiran sa kanila dahil ako ang may kasalanan.

"Stop crying Anna. makakasama sayo yan." Hinaplos ni Cyrus ang aking likod. Nag-angat ako ng mga mata sa kanya at punong puno iyon ng pag-aalala.

"Cyrus I'm sorry. Hindi mo na dapat sinabi yun. Kaya ko naman eh.. kaya ko naman mag-isa." umiling ito at ang kamay nito ay inabot ang aking palad. Pinagsiklot niya ang aming mga daliri.

"Responsibilidad na kita simula ng may mangyari satin. We have to do the right thing. Bubuhayin natin ang anak natin." 

"NATIN." ang salitang iyon ang nagpawala saglit ng lungkot sakin damdamin. Pero agad din iyon nagbabalik sa tuwing naalala ko ang aking kapatid.

alam ko na hindi pa sila nito ayos, at sinamantala ko ang pagkakataon magkalayo ang dalawa. Wala akong pinagkaiba sa mga babaeng desperada para lang mapansin ng mga taong mahal nila.

Tama si Papa, wala akong silbi. Kasi kahit sarili kong kadugo ay kaya kong saktan maging masaya lamang.

"Pano si tricia? ikakasal na kayo hindi ba?"

"Wala na kami simula ng umalis siya papuntang amerika." nagbaba ito ng tingin at nadako samin mga kamay. Pansin ko ang labis na paglungkot nito.

"Wag mo nang isipin yun. Ang mahalaga ngayon ay kung pano natin maitatama ang mga ito. Ako ang lalaki, kaya dapat kitang panindigan."

Mas lalo akong nakaramdam ng guilt sa kanyang mga sinasabi. Nakikita ko na ako ang dahilan ng kanyang kalungkutan. Ako ang dahilan ng kanyang pagkawasak at hindi ko alam kung pano ko siya pupulutin kasi kahit ako, wasak na wasak rin.

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, nabago ang takbo ng aming mga buhay. 

Nagkaron ng lamat ang relasyon ng mga taong may matibay na pundasyon. Nawala ang tiwalang matagal kong pinaghirapan at pati ang mga taong mahal ko ay unti unting lumalayo sakin.

Ni hindi ko alam kong anong mukha ang ihaharap ko sa kanila. Mas inaalala ko rin ang magiging buhay ko pagkatapos nito. Kaya ko ba talagang buhayin ang batang ito ng ako lang? Nang walang katuwang sa buhay?

Halo halo na ang aking mga naiisip at sa dami ng mga tanong namuo sakin utak, wala akong maibigay ni isang sagot sa mga iyon.

Ayaw kong mag-isa. Takot akong mag-isa. 

Totoo ngang mahina ako. Sa mga oras na'to, wala akong masandalan iba kundi ang aking sarili lamang. Kasi kahit ang mga taong sana ay dadamay sakin ang siyang unang nagtakwil  at nagparamdam ng matinding rejection sakin.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now