Alam ko na ang tingin nila sakin ay Weak. na hindi magagawa ang ganitong bagay, kaya hindi na ako nabigla sa kanyang mga sasabihin.


"I understand papa. Thank you at nagtiwala kayo sakin." Pinunasan ko ang aking mga luha. 


"Thank you anak. Hindi mo alam kong gano ako kasaya at kaproud para sayo." niyakap ako nitong muli. 


Again, parang ito muli ang kauna unahang nakarinig ako ng mga ganito kagandang mga salita galing sa kanya. Noon high school ako at hindi ako ang naging Valedictorian, tinatak ko sakin isip na magsisikap ako sa pag-aaral. Na gagawin ko ang lahat para may patunayan ako sakin pamilya. 


Kasi higit sa mga sasabihin ng ibang tao. Mas importante ang opinyon ng aking mga magulang. Mas importante sakin ang kanilang mga sasabihin.


Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang araw sakin.


Ang makuha ang bagay na pinakamimithi mong makuha nang matagal. at para sakin, iyon ay ang tiwala ni Papa. Yung appreciation na akala ko ay hindi ko na mararamdaman sa kanya.




//~//




Isang buwan na ang nakakalipas. Sinipat ko ang aking katawan. Muli ko na naman nasapo ang aking ulo sabay mura.


Hinding hindi ko matatago ang katotohanan sa kanila.


Magdadalawang buwan na akong buntis. Walang may ibang nakakaalam ng aking kondisyon maliban kay Jocel at hindi ko alam kong ano ang aking mga gagawin.


I was planning to get rid this child pero pinigilan ako ni Jocel. Aniya, hindi solusyon ang paggawa ng maling hakbang sa ganitong problema.


Walang kasalanan ang bata at dapat kong panindigan ito. Pilit niya rin akong kinokosensya ng posibleng mangyari kung ipagpapatuloy ko ang pagpapalaglag sa bata.


Bagay na mas lalong nagpapahirap ng aking buhay.


Matalino akong tao, pero pagdating sa ganitong problema, bakit parang nauubusan ako ng mga resources sa kung ano ang gagawin ko. 


Sinuot ko ang girdle at pinilit kong magmukhang maliit ang aking tyan. Sandali kong sinipat ang aking mukha sa salamin. Somehow nakaramdam ako ng guilt para sa nilalang sakin tyan. 


Inosente ang batang ito pero dinadamay ko sakin kamalian.


But what will I do.


Ngayon ko palang naeearn ang trust nila Papa at kailangan ko pang pagpaguran ang lahat. 


Kung kelan nagiging maayos na ang lahat, tsaka pa ito nangyari. 


THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon