Mukhang mapapaaway na namin kami nito ah.

"Friend, wag ganyan, alam mo na, kailangan ko munang maging Com laude." Yes, isa sa mga dahilan kung bakit ako napapasama kala papa ay ang pagsama ko sa kanya.

Ani ng aking mga magulang ay walang magandang maibubunga ang pagsama ko kay Jocel. Puro lamang disgrasya at perwisyo ang aabutin ko sa pakikipagkaibigan sa kanya.

Hindi ko iyon magagawang gawin dahil si Jocel lamang ang tangi kong kaibigan na pagkakatiwalaan ko. Although, taliwas ang aming pag-uugali pero nagkakaintindihan kami sa tuwing may problema ang isa't-isa.

Si Jocel ay anak ng isang business tycoon na nagmamay ari nang malaking kompanya ng gasolinahan. Bukod don ay may negosyo pa ang pamilya nitong clothing line na sikat hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

"Papatahimikan ko lang tong babaeng to, hindi marunong maghintay eh."

Dali dali akong humarang dito.

"My friend, wag ganyan. alam mo naman diba na may problema ako." Sinubukan kung pakalmahin ito.

nakita ko kong pano magpigil si Jocel. Ito lang ang ayaw ko sa kanya, masyadong maiksi ang pisi ng kanyang pasensya. Gusto niya sunggab agad ng hindi pinag-iisipan ang mga gagawin.

Parati ko ngang pinaalalahanan na maging maingat at wag magpadalos dalos sa mga ginagawa dahil baka sa kakamadali niya ay magkaron pa siya ng pagkakamali.

dahan dahan itong kumalma.

"Okay, pero humanda yan sakin sa labas." sabay tapon ng baso sa basurahan.

Binuksan namin ang CR at sumalubong samin ang mahabang pila ng mga kababaihan. halatang iritado na. nakita rin namin ang Janitress na naglilinis sa loob.

"Tabi nga kayo dyan!!" tinulak pa ni jocel ang mga estudyanteng nakaharang sa daan.

Tiningnan ko nalang ng nakakaawa ang mga estudyanteng ininda ang sakit sa pagkakatulak ni jocel.

Hindi pa ito nakuntento. Binalingan nito ng masama ang babaeng humampas sa pintuan.

"Pasalamat ka sa kaibigan ko. kung hindi nangangamoy ihi ka sana ngayon." yun lang at nagtuloy kami sa paglalakad.

lihim akong napabuntong hininga. Muntik na naman kami don.

Siguro kong hindi ako kasama ni Jocel ay malamang, nasa Deciplinary office na naman ito. Pero wala eh, maimpluwensya ang pangalan ng mga magulang ni Jocel at kaya nitong linisin ang lahat ng kamalian ng walang kahirap hirap.

"Oh siya, magkita nalang tayo bukas. pakopyahin mo ako sa exam ha." paalam nito sakin. kahit kelan talaga ang babaeng ito hindi marunong mag-aral. Simula pa nung elementary, ganyan at ganyan lagi ang litanya niya.

Mabuti nga at hindi pa kami nahuhuli nitong nagkokopyahan.

" Sige. mag-ingat ka ha."

"Sigurado ka na hindi ka sasabay?"

Umiling ako. ayaw ko rin na makita nila papa na hinahatid ako ni Jocel. masyadong mainit ang dugo nila rito eh.

Sumakay na ito ng bagong bagong Audi r8. napailing akong muli habang pinagmamasdan itong palayo sakin.

Nang hindi ko na ito makita. agad akong pumara ng taxi.

"Kuya sa malapit po na drug store." ani ko.

Kinakabahan na ako. hindi normal ang mga nangyayari sakin this past few days.

Hindi pa rin ako dinadatnan.

Tsaka yung mga morning sickness ko. Alam ko iyon ang pakiramdam kapag buntis ang isang tao. Kahit wala pa akong experience sa ganun bagay, pero tugmang tugmang sa mga nababasa ko sa libro at sa mga sinasabi ng ibang tao.

nasapo ko ang ulo ko.

Wag naman sana.

Cyrus POV

Sinundan ko ang taxi na sinakyan ni Anna.

I want to talk to her about what happen. masyado akong naguguilty rito.

halos hindi na rin ako makatulog ng maayos lalo pa't sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay nakikita ko itong umiiyak sa mga nangyari.

Minabuti kong maghintay sa labas ng eskwelahan nito dahil ayaw kong biglain si Anna at pilitin itong makipag-usap. Gusto ko rin na walang makarinig samin dalawa lalo pa't hindi maganda ang magiging tingin ng ibang tao kung malaman ng mga ito ang nangyari sa amin.

Sinusubukan ko rin tawagan si Anna, pero palagi nitong pinapatay. kahit text hindi ito nagrereply.

Mas lalo tuloy akong nakokonsensya. alam ko na galit ito sakin.

Pero bilang lalaki, kailangan kong ayusin ang gusot na ito.

Isa pa, kapatid ito ni Tricia. ayaw ko na magkaron nang anumang lamat ang ugnayan ng magkapatid.

Bigla ko na naman naalala ang kapatid ni Anna. Hanggang ngayon, walang improvement sa ginagawa kong panunuyo.

Nagkakausap na kami sa phone at skype, pero sa tuwing hinahalukay ko ang tungkol samin dalawa at sa nangyari, nag-iiwas ito ng usapan.

Masakit sa parte ko lalo pa't pakiramdam ko, balewala ang ginagawa kong effort para sa kanya. Mahal ko si tricia at alam niya iyon.

Kung maari lang sanang sundan ko siya ngayon din sa US ay gagawin ko. Kung wala lang sanang mga taong umaasa sakin ay handa kong talikdan ang mga ito para sa kanya.

Nabalik ang atensyon ko kay Anna. Napansin kong huminto ang taxi sa isang drug store.

dali dali kung pinark ang sasakyan sa katabing establishment at pinauna muna itong bumaba.

Sinundan ko siya. Walang masyadong tao sa loob.

Nakita ko itong kausap ang isang pharmacist. napansin ko rin ang pamumutla niya. Mas lalo lamang nadagdagan ang pag-aalala ko sa kanya. hindi kaya may sakit ito?

Lalapit na sana ako ng marinig ko ang bibilhin ni Ana.

" Sige ate, bigyan niyo po ako ng tatlong pregnancy test." nahihiya pa itong sabihin iyon sa nag-aasist sa kanya.

at naestatwa ako sa kanyang sinabi.

" Naku miss, dapat talaga esure mo yan. sign pa naman yan ng pagbubuntis." mahina pero rinig kong sabi ng babae.

Ngumiti lamang si Ana at hinintay ang babae. Pero ako, parang may kung anong sumabog sakin na siyang dahilan ng pagiging paralisa ng aking katawan.

Mabuti nalang at nagawa ko pang magtago ng lumingon si Anna at lumabas ng Drug store.

Sunod sunod ang aking pagmumura at pinagpapawisan ako sa di ko malamang dahilan.

Hindi pwedeng mangyari ang hinala ko.

Pero pano?

nagmura uli ako.

Agad akong lumabas ng Drug Store.

Sumakay ng kotse at hinampas ko ang manibela.

Damn it!!

Sana mali ang hinala ko..

Dahil kung magkatotoo man yun, tuluyan na kaming masisira ni Tricia.

Hindi ko kaya.

Hinding hindi ko kaya yun.


THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon