"I can't live without you."

"SINUNGALING!!!"

"Ikaw ang pumatay sa mga anak ko!! kayo nang kapatid ko!!"

Natigil sila papa, napansin kung natahimik si Cyrus.

"Cyrus anong mali sakin? Bakit niyo ginawa yun? Binigay ko lahat, sinakripisyo ko ang lahat dahil mahal kita, pero anong ginawa mo, mas pinili mo ang babaeng yun kesa ako na asawa mo. Mas pinili mo ang anak mo sa kanya kesa sa anak natin."

"Anna hindi, maniwala ka.ikaw ang pinili ko, hinding hindi ko magagawang iwan at pabayaan kayo."

Tumalim ang mga titig ko at nagmagtatangka pa itong lumapit sakin ay ibinato ko sa kanya ang malapit na tray at sumapol iyon sa kanyang mukha.

Sapat na ang mga nalaman at nakita ko. Pumili na siya at malinaw sakin kung sino ang pinili niya. At ang pinakamasakit sa lahat ay lokohin ka ng patalikod ng dalawang taong pinakamahalaga sa buhay mo.

"Anna I'm sorry, Hindi ko alam, wala akong alam sa mga ginawa sakin ni tricia, please pakinggan mo naman ako. Ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal ko kayo."

Nakaramdam ako ng awa.

Mahal na mahal ko ang lalaking ito. at sa sobrang pagmamahal ko ay nakalimutan ko na kung sino ako.

Pero walang makapagbabago ng katotohanan ito ang dahilan kung bakit nawala ang anak namin.

They are having sex and that is bullshit!!

Paanu pa nito nagagawang pagtakpan ang isang kasinungalingan, ako mismo ang nakasaksi.

"UMALIS NA KAYO RITO!! UMALIS NA KAYO!" asik ko sa kanilang lahat.

Galit ako,

hindi..

Napopoot ako sa kanilang lahat.

Simula sa mga magulang ko na walang ibang kayang kampihan kundi ang kapatid ko.

Oo kadugo ko ang babaeng yun. at kinahihiya kung naging kapatid ko siya.

at sa taksil kung asawa.

Sana sila nalang ang namatay.

Sila nalang sana ang nawala.

Hindi ang mga kambal ko.

Humagulhol ako ng iyak. gusto ko na rin mamatay. wala nang dahilan para mabuhay pa ako.

Hindi na mababalik ang buhay ng mga anak ko.

"Anna wake up..Anna." isang pamilyar na boses ang gumigising sakin.

Dahan dahan kung minulat ang aking mga mata. Panaginip lang pala ang lahat. Bangongot na sana hindi na nangyari sakin buhay.

Isang di pamilyar na lugar ang aking nakagisnan. Nilingon ko ang lalaking pumukaw sakin.

at ng magtama ang aming mga mata, namayani ang galit sakin puso.

"Hinimatay ka kanina sa Conference room kaya dinala kita rito."

Hindi ako sumagot bagkus tumayo ako. at kahit nananakit ang aking sentido'y sinubukan kung umayos ang aking paglalakad.

Hindi ko pinansin si Cyrus.

" Ihahatid na kita." umuna ito ng paglakad sakin at ito na ang nagbukas ng pinto.

Wala akong naririnig. Oo. dahil ang lalaking ito ay matagal nang patay sakin buhay.

"Anna sandali.." pilit itong humahabol.

PUTANG INA!! gusto kong magmura rito...

"Anna sandali, mag-usap tayu.."

Gusto kung takpan ang tenga ko. Wala akong naririnig.

Pinagtitinginan na kami ng mga empleyado. at habang binabaktas namin ang hallway patungo ng elevator ay nakasunod siya sakin.

"Anna, I've been looking for you. Your mom and your dad are very worried about you. Please come home." natigil ako sa pag-iisip.


Limang taon na ang nakalipas nang kalimutan ko na ako si Anna Camile Veloso Brazil. At sa loob ng Limang taon na yun ay hindi ko naramdaman ang paghahanap ng mga taong sumira sakin pagkatao.


Nilingon ko siya at wala akong ekspresyon pwedeng ibigay dito, kundi puro galit.


PAK!!


Nagulat ang mga taong nakatingin samin. naiwan naman ang mukha ni Cyrus sa gawi kung san ko siya sinampal.

Kulang ang lakas sakin sampal para maipadama ko ang labis na galit na nararamdaman sa kanya.

I was living in hell when I'm with him at hinding hindi na ako babalik pa sa kanya.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito ng bumukas ang elevator.

Dali dali akong sumakay.

Naninikip na naman ang dibdib ko. Wala na akong pakialam sa kung anung kayang gawin ng kompanyang ito sakin.

Nabuo kung muli ang aking sarili ng walang kung sino ang tumutulong sakin. Nang walang kaibigan na yayakap at dadamay sakin kapighatian, walang mga magulang na gagabay sakin araw-araw.

At kasabay ng pagkabuo ko ay ang paglimot ko sa isang damdamin. Pinagsisihan kong minahal ang taong dumurog ng buo kung pagkatao.

Pinagsisihan kong naging bahagi ako ng isang pamilyang walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sakin ang di patas na trato sakin bilang anak.





This is me NOW.





at wala akong babalikan sakin nakaraan.

What they did doesn't deserve my forgiveness. At kahit mamatay ako, ipagkakait ko ang kapatawaran na hinihingi nila.

Walang kapatawaran ang pagdurusa ko. Suklian man ito ng pagmamahal, hindi nito mapapalitan ang katotohanan sila ang unang pumatay sakin.





This is my Life.





And my UNFORGIVEN LOVE.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now