~ 44 ♡ Mistakes ♡

Start from the beginning
                                    

Oo simula palang nun. Alam ko nang matatalo ako. Pero tinuloy ko pa din at nagtapang tapangan ako dahil sa kakulitan nya. Sabi ko sa sarili ko pipigilan ko. Kakayanin kong hindi tuluyang mahulog sa kanya.

I had a puppy boyfriend before, pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng feelings. At sa kanya pa.

Ang hirap pigilan. Alam kong masasaktan lang ako pero tinuloy ko pa din at ngayong napatunayan ko na sobrang hulog na hulog nako,

ng dahil sa halik na yun...

Nalaman kong hindi ko lang sya gusto, kundi parang mahal ko na sya.

And this is bullshit!

I can't find my way out.
Hindi pwede.

Masasaktan lang ako sa kanya. Pagkatapos ng mga naririnig ko tungkol sa kanya, sa image nyang playboy?! Hindi pwede. 

"Ay palakang kokak!" Napatingin ako kay dude na kakapasok lang sa kitchen.

"Dude! Anong.... b-bakit ka nag iinom dyan???!" Gulat na tanong nya ng makita nya ako na nakasalampak sa sahig.

Hindi ako nagsalita. Uminom lang ako ulit sa bote tapos umiyak nanaman. As in malakas na iyak. Hindi ko na nga alam kung ano nang itsura ko ngayon. Ramdam ko ang kalat kalat na eyeliner at mascara sa buong paligid ng mata ko dahil sa kakaiyak ko.

"Dude, I'm scared. I'm in love with someone who doesn't deserve my love. He can't take care of my heart. Sasaktan nya lang ako.."

Sabi ko at tinungga ulit ang boteng hawak hawak ko.

"Stop it! Tama na! lasing na lasing kana!" Sabi lang nya at inagaw sakin ang bote na hawak ko.

"Akin na yan! Kailangan ko yan dude! Please! Akin na yan! Ngayon lang naman! Hayaan mo nak---"

"Wake up!!!!! Tama na dude. Last mo na yan" seryosong sabi ni dude.

Hindi nako nagsalita. Inalalayan nya nako papunta sa kwarto ko. Paghiga ko palang, parang ang bigat na ng talukap ng mata ko.

Kusa nalang akong napapikit pero bago mawala ang ulirat ko, parang kusa na lang din bumuka ang bibig ko.

I love you jorge..

..End of flashback..

Omo! O______O

No.no. no...

Napaupo ako sa upuan at dinukdok ang ulo ko sa table habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

Hindi ako yun! No way! Waaaaaaah!!!!

Bwiset. Ano bang ginawa ko???!

Mabilis akong pumunta ulit sa kwarto ko at tumalon sa kama ko.

--_____-

Nakakahiya ang ginawa ko. Napaka corny nun! Bwiset. Bwiset!

__

Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din ako dalawin ng antok. Ginawa ko na lahat, nagbilang ng tupa, at kung ano ano pa pero yung kiss pa din na yun ang pilit na lumilitaw sa utak ko.

Pagtingin ko sa orasan, It's 9:00 pm palang. Kaya pala. Ilang oras din akong nakatulog kanina.

Biglang may pumasok sa isip ko.

_

~ bar

Suot ang favorite black dress ko na above the knee habang nag iinom akong mag isa dito sa di kalayuan sa dancefloor. I need to flirt with someone para kahit sandali man lang, makalimutan ko ang halik na yun na paulit ulit nag si-sink in sa utak ko.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now