CHAPTER 44: OUR NEW CLASSMATE

34.9K 636 8
                                    


✤⁑SHANE⁑✤


Biyernes at nasa ikalawang subject na kami ngayong umaga. Tahimik lamang akong nakikinig kay Mrs. San Gabriel habang nagtuturo nang biglang pumasok si Mrs. Fajardo sa loob ng classroom. Lumapit siya dito at nag-usap sila ng sila lang ang nakakarinig. Pagkatapos nilang mag-usap ay humarap sa amin si Mrs. San Gabriel.

"Alright class, as per Mrs. Fajardo, meron tayong transferee from abroad at dito sa section natin siya ipapasok." tugon ni Mrs. San Gabriel dahilan para magbulungan ang mga kaklase ko. Napatingin din ako kay bessy at parehong nakakunot ang aming noo. 

"Okay class, here he is. Mr. Bien, please come in."

Sabay-sabay kaming napalingon lahat sa may pintuan at inabangan ang pagpasok ng transferee na tinutukoy ni Ma'am. Agad na napaawang ang aking bibig nang makitang ang transferee pala na tinutukoy ni Ma'am ay walang iba kundi si Arkin.

Nakasuot ito ng buong uniporme, may nakasukbit na black bag sakanyang kanang balikat at nakasuot siya ng shades. 

"Oh my gosh! Seryoso! Ang gwapo niya!"

"Hindi ba yan artista?? Mukha siyang artista!"

"Siya yung gwapo kahapon diba??" 

Iilan lang sa mga narinig kong bulungan ng mga kaklase kong babae. Halos nagmukhang palengke itong classroom namin dahil sa kaliwa't-kanang bulungan maging kami ni bessy ay di na din naiwasang mag-usap ng pabulong dahil pareho kaming nagulat sa pa entrance nitong si Arkin.

"Please be quite class! Mr. Bien kindly introduce yourself to the class."

Animo'y naging isang silid aklatan ang aming classroom ng sabay-sabay na tumahimik ang lahat at natuon ang pansin kay Arkin na nakatayo sa harapan. Tinanggal niya ang suot na shades at isinabit sa bulsa ng kanyang uniporme tsaka tumikhim.

"Hi, I'm Arkin Avrey Bien, call me anything you want. I hope we can all be friends." aniya, nag umpisa ulit umingay sa buong klase pagkatapos niyang magsalita, kung pwede lang isa-isang magpakilala sakanya itong mga babae kong kaklase ay baka ginawa na nila.

Napabuntong-hininga ako't tumingin na lamang sa labas, napapaisip sa mga susunod na mangyayari ngayong kaklase ko na itong si Arkin na walang ibang bukang-bibig kundi ang panliligaw niya.

"You may choose where you want to sit Mr. Bien." Rinig kong sabi ni Ms. San Gabriel sakanya pero nakatingin pa din ako sa labas.

"Alright Ma'am. I want to sit beside her." rinig kong sagot niya pabalik. Napaisip tuloy ako kung sino ang tinutukoy niya pero nang makita ko ang mga kaklase kong nakatingin sa akin maging si bessy ay tsaka ko lang nakumpirma kung sino ang tinutukoy niya. Doon ako napalingon sa gawi niya at nakatingin pala ito sa akin.

"But someone is already sitting beside her Mr. Bien, you may sit there instead." turo ni Mrs. San Gabriel sa ika-apat na hilera sa aking likuran. 

"I'm sorry Ma'am but I want to sit beside her." Pagmamatigas nito.

"Ohhh alright, Jenica, is it okay if you sit over there?" tanong ni Ma'am na agad namang tinanguan ni Jenica tsaka niligpit ang mga gamit at dinala lahat sa panibagong upuan niya.

Sinundan ko ng tingin si Jenica hanggang sa makaupo siya sa kanyang pwesto, sunod kong tiningnan si Arkin na papalapit na sa akin. Bago siya tuluyang maupo sakanyang armchair ay tumigil ito sa aking harapan, "Hey, good morning." nakangiting pagbati nito sa akin tsaka na naupo.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon