CHAPTER 29: A VACATION TO REMEMBER

49.6K 934 31
                                    


Chapter 29: A Vacation to Remember


[SHANE]


It's summer vacation again and this time pupunta kami sa Beach Resort na pag-aari nila Chase. His family invited us over and you know what, It's just my family and his family. Excited na nga ako eh! Ito kasi ang pinakaunang beses na mag out of town kami kasama ang buong pamilya. Paniguradong mas titibay ang bond ng family namin sa isa't-isa at syempre ang sa amin din. 


Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay nila Chase at ikinakarga na ni tito at Chase ang mga bagahe namin sa likuran ng van. Sinusundan ko lang ang bawat galaw nilang dalawa habang nakaupo ako dito sa may gate at nakapangalong-baba. Nang matapos sila sa ginagawa ay agad akong binalingan ng tingin ni Chase at ngumiti sa akin. Umayos ako ng upo at ngumiti sakanya pabalik. 


Nakita kong nagpaalam siya kay tito tsaka lumapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. 


"Ready be?" tanong niya tsaka ko siya tiningnan. Doon ko lang siya natingnan nang mabuti. Nakasuot siya ng plane shirt na puti, 6 pocket na short, naka sunglass ng itim at nakasuot ng nike roshe sneakers. 


'Ang gwapo niya talaga.'


Napangiti ako bigla sa naisip at para di niya mahalata ang impit na kilig ay  sumagot na lang ako sa tanong niya. "Yup." Ngumiti siya nang mas malawak at kita ko na ang mapuputi niyang ngipin. Ginulo niya ang buhok ko at inilapit ang ulo ko sakanya at hinalikan ang tuktok nito. 


"Tara na." Tumango lang ako sakanya tsaka niya ako itinayo at pumasok na kami sa loob ng van. Sumunod na din sina mommy at tita Krista na kakalabas lang ng bahay kasunod si dad. 


Bumyahe agad kami para maagang makarating sa pupuntahan namin. Kasalukuyang nag-uusap usap lamang ang mga magulang namin ni Chase samantalang kaming dalawa naman ay naglalaro sa PS2 na dala niya.


"I didn't know you owned a beach resort in Batangas mare." rinig kong usal ni mommy kaya medyo nalipat ang atensyon ko sakanya. 


"Ohh...Well, naisipan lang naming bilhin mare, maganda kasi ang view and perfect talaga siya for summer vacation. Isa pa, madalang lang ang nagbebenta ng magandang beach resort sa Batangas, it's really good for business and at the same time for family vacation getaway. Kaya nang may nagbenta sa amin ng resort ay binili na din namin. Few months pa lang at madami na agad visitors ang resort, the place is really stunning mare, you'll love it there." sagot naman ni tita. Nagtuloy-tuloy pa sila sa pag-uusap at hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusap nila't binalingan ng tingin si Chase na sobrang naka-focus sa nilalaro niya.

 

"First time mo bang makapunta dun be?" tanong ko sakanya. Sandali siyang sumulyap sa gawi ko sabay tungo ulit at binalik ang atensyon sa screen ng PS2.  

"Yes be. Ilang months pa lang kasi nung binili nila ang resort na yun, so di ko pa napupuntahan." tumango-tango na lang ako sa sinabi niya't pinagpatuloy na lang din ang paglalaro. 


Mayaman nga talaga ang mga Evangelista. May pag-aari din naman kaming lupa sa probinsya at may kaya naman kami pero mukhang mas may kaya talaga sila kaysa sa amin. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon