CHAPTER 13: New Year's Eve

86.7K 1.6K 38
                                    

✤⁑SHANE⁑✤

Gustong tumalon ng puso ko sa sobrang saya ngayon. Hindi lang dahil sa regalong natanggap ko pero dahil kasama ko ngayon si pervert. Pansamantalang nawala ang pagkailang ko kay pervert nang yakapin ako nito. Ngayon lang naman ito eh, hindi ko rin maitatangging gusto kong niyayakap niya ako. 

Pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya bigla na lang siyang natigilan at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko kaya nabaling ang tingin ko dito. 

Mabilis ang tibok ng puso ko ngayon pero ang sarap niya sa pakiramdam kahit na kinakabahan ako. Gusto kong ipagsigawan na mahal ko siya ngayon din pero nahihiya ako, pinapangunahan ako ng hiya. Isa pa, ayokong ako ang unang magtapat sa aming dalawa, mas gusto kong siya. Ayoko ng rejection.

What if magtapat ako ngayon tapos wala naman siyang nasabi? O kaya naman bigla na lang niya akong tawanan. Maghuhukay na ako ng sarili kong libingan kapag nangyari yun. 

"T~Tara na." nakuha niyang muli ang atensyon ko nang hilahin na ako nito papasok pero hindi pa rin ako nagawang tapunan ng tingin. Pinagkibit balikat ko na lang at nagpatinaod sakanya. 

Nakababa kami ng hagdan at ang mga pinsan ko agad ang bumungad sa akin. Sabay-sabay silang napatunghay sa gawi namin at makailang sandali ay makahulugang ngumiti. Pinaningkitan ko sila ng mata at napanguso. 

Gusto ko pa sanang kutusan ang mga pinsan ko kaso hinila na ako ni pervert palabas ng bahay at sa hardin kami pumunta. 

Binitawan niya ang kamay ko at lumapit kay tita Krista at kay tito Nilo. Humalik sa pisngi ni tita si pervert at binati naman niya si tito Nilo. Nangunot ang noo ko at nagpapalit-palit ang tingin sakanilang tatlo. 

Teka nga! Siya ba ang anak nila na tinutukoy ni mommy kanina?! 

WHAT THE FUDGE!

"Wow baby!" napasinghap ako nang biglang magsalita si mommy. Binalingan ko sila ng tingin ni daddy at kapwa nagniningning ang kanilang mga mata. "Di'ba yan yung necklace na tinuro mo sa akin noon na gustong-gusto mong bilhin?" turo ni mommy sa suot kong kwintas. Hinawakan ko ang pendant nito at pinakatitigan. Awtomatikong kumawala ang ngiti sa aking labi bago ibinalik ang tingin sakanila. 

"Yes mommy." sumilay ang ngiti sakanilang mga labi. Hindi lang si mommy at daddy maging si tito at tita din. Para akong matutulos sa kinatatayuan ko ngayon sa sobrang hiya. Siguro singpula na naman ng kamatis ang pagmumukha ko. 

Si mommy kasi eh! Nagtanong-tanong pa!

Pasulyap kong tiningnan si pervert at ngingiti-ngiti lang ang loko habang nakatitig din sa akin. Hindi man lang ako tulungan dito! Tinutunaw na ako sa titig ng mga tao dito nagawa pa akong ngitian! Edi wow!

"So, iyan pala yung pinag-ipunan mong regalo para sa, SPECIAL SOMEONE mo anak?" tatawa-tawang tanong ng mommy ni pervert na binigyang diin talaga ang salitang Special Someone. Nakahinga ako ng maluwag ng nalipat ang atensyon nila sakanya. Ngayon, ako naman ang nakangisi. Ano ka ngayon?! 

"M-Mommy! It was our secret di'ba!" hindi maipinta ang mukha ngayon ni pervert dahil sa sobrang kahihiyan. Parang gusto niyang kutusan ang mommy niya pero di niya lang magawa. Nakakatawa and at the same time nakakatuwa. 

May closure din naman pala sila ng parents niya eh. Taliwas sa mga naririnig kong chismis noon na hindi niya kasundo ang mga magulang niya. I think nasabi din iyon sa akin ni Cris pero hindi ko na matandaan kung kailan yun.

"Oppps! Sorry baby, nadulas yung dila ko!" tsaka sila nagtawanang lahat. Nakita ko ang sandaling pamumula ng pisngi at tenga ni pervert pero makailang sandali lang ay nawala din ito. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon