CHAPTER 14: Confession

82.4K 1.5K 59
                                    


[January 3, 2014]

Humihikab akong bumangon ng kama at dumungaw sa labas ng bintana nang makita ko si pervert sa ibaba't nakangiting nakatingin sa akin. Sa sobrang pagkabigla ko'y napatago ako sa pader sapo-sapo ang aking dibdib.

Teka nga, namalik-mata lang ba ako o nasa baba talaga siya?

Muli akong sumilip sa labas ng bintana at totoo nga nakatayo siya sa labas at nakatingin sa may bintana ko. Pero bakit siya nasa labas?

Bago muling magpakita sa kanya'y inayos ko muna ang aking buhok, nagtanggal ng muta sa mga mata at tiningnan ang aking suot. Maayos naman kaya bumalik ako sa harap ng bintana't binuksan ito.

"Good morning." Bungad nito sa akin na may matamis na ngiti sa kanyang labi, hindi ko tuloy napigilang mapangiti pabalik. Teka, yung sinag lang ba ng araw o sadyang kumikinang siya sa paningin ko?

"Ah eh good morning. Bakit ka nandito? Kanina ka pa dyan?"

"Not really, inagahan ko talaga, gusto ko kasing sumabay sayo papasok, if okay lang sayo?"

Medyo nabigla ako sa sinabi niya pero nakasagot naman ako agad, "ah sige! Hintayin mo na lang ako sa loob! Mabilis lang ako."

Hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis akong tumakbo papasok ng banyo at naligo. Siguro'y mga 10 minutes lang ang itinigal ko sa loob ng banyo tsaka ako nagbihis ng aking uniporme't bumaba.

Naabutan ko si pervert sa kusina kausap si mommy, mukhang nagkakatuwaan pa silang dalawa.

"Oh Shane, tamang-tama, luto na itong breakfast niyo, lika kain muna kayo, sakto at itong si Chase sa kakamadali'y nakalimutan nang mag almusal." Aniya kaya napakamot sa ulo si pervert.

Tumango ako kay mommy at tumulong sa pagdadala ng mga iniluto niyang pagkain sa dining room. Naupo na roon si pervert kaya naupo na din ako. Nagkakahiyaan pa kaming dalawa kaya puro ngiti at tungo ang ginagawa namin. Mukha kaming tanga!

"Maiwan ko muna kayo ha, kumain kayo ng madami bago pumasok. Iwanan niyo na lang sa lababo yung mga pinagkainan niyo, kami na ni Manang bahala dyan mamaya." Bilin ni mommy bago tuluyang umalis.

Sinundan pa namin siya ng tingin bago bumalik sa pagkain. "Ang sarap magluto ng mommy mo." Aniya na nakaagaw sa aking pansin, napatalon ako sa aking kinauupuan nang makitang nasa tabi ko na pala ito nakaupo.

"Ah eh, o-oo nga. B-Bakit ang lapit mo na?" kinakabahang tanong ko sakanya. Kanina kasi magkaharap lang ang upuan namin, ngayon nandito na siya mismo sa tabi ko.

"W-Wala lang, naisip ko kasi mas masarap kumain kapag katabi kita." napatulala ako sa kanya na may pagtatanong sa aking isipan.

Okay, he's weird. After nung Christmas and New Year's eve, naging sweet at mabait lalo sa akin itong si pervert. At 'yang mga pag-ngiti niya na para siyang kumikinang, naku I smell something fishy.

"Ahm, sadist...I've been thinking a lot. I ah..." Hindi niya tinuloy ang sinasabi't nahihiyang kumamot sa kanyang ulo.

"Thinking a lot about?" Tanong ko.

"I ah... I~"

"Teka, alas syete na pala! Baka malate tayo, tapusin mo na yan, lika na!" Kakaisip ko kung anong sasabihin niya nakalimutan ko na yung oras!

"Ah s-sige lika na."

Dali-dali siyang tumayo sa upuan at tinulungan ako sa pagliligpit ng aming pinagkainan. Pagkatapos 'nun ay hinila ko na siya palabas ng bahay.

"Mommy! Pasok na po kami!"

"Okay baby! Take care!"

Pareho kaming naghahabol ng hininga nang marating namin ang antayan ng bus. "Sadist, okay ka lang?" Agad na tanong nito nang kumalma na ang kanyang paghinga.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon