CHAPTER 3: THE GAME BEGINS

111K 1.9K 46
                                    



✤⁑TARA⁑✤

Ako nga pala si Tara Janine Sabenian, 15 years old, ang bestfriend ni Shane simula pa nung elementary days namin. Despite our differences, nagawa pa din naming panatilihin ang magandang samahan namin. Madalas kaming mag-away oo, pero dahil lang naman sa maliliit na bagay. Minsan dahil na din sa ka-arte-han ko at sa mga walang kwentang problema ko sa buhay. Apart from bessy being boyish I am her complete opposite.

I love dressing up, mahilig akong maglagay ng makukulay na nail polish, mag suot ng makikintab na necklaces at bracelets, mahilig din akong magsuot ng mga wedge shoes. I am comfortable with my style and I feel more confident with it. Bessy said kahit hindi ako mag-ayos ay maganda naman ako pero hindi ko kasi talaga kayang hindi mag-ayos kapag lalabas ng bahay.

Anyway so much about me. Bandang kalagitnaan ng klase namin ay dinala ko sa clinic si bessy, she said bigla daw sumama ang kanyang pakiramdam kaya our teacher excused her and said na magpahinga na lang muna sa clinic. I escorted her there at binilin siya sa nurse. Hindi rin ako nagtagal doon at bumalik sa klase.

Class started but my mind is set somewhere else. Sinusubukan ko kasing pagtagpi-tagpiin ang mga nangyari kanina. When bessy came to our room that morning her mood is not that good anymore. She was not even listening to what our teacher is talking about in front, nakatulala lang siya the whole lecture. I tried talking to her that morning pero she told me she's fine so I did not bother asking again, baka kasi puntiryahin na naman niya 'yung tenga ko. Ang sakit kaya. 

(┬_┬)

I came early kaninang umaga mas maaga pa sakanya. I just saw her bag on her desk tapos naisipan kong hanapin siya. Sa paghahanap ko nakasalubong ko pa si Chase, dumaan ako sa harap niya 'nun pero parang di niya ako nakita. He seems like his looking for someone at that time, maybe his friends? Gusto ko sana siyang kausapin 'nun para mag-sorry sa ginawa ni bessy pero nahihiya ako. Kaya ang ginawa ko sinundan ko na lang siya. Napatigil siya sa pinto ng music room at may sinilip siya mula roon, mga makailang segundo ay pumasok siya sa loob, susunod na sana ako nang may biglang tumawag sa akin, si Minda. 

Cleaners pala ako ngayong araw which is nakalimutan ko. I should be helping cleaning up the classroom but it turned out na tumakas daw ako. Kaya itong si Minda pinabalik ako sa room at pinatulong sa paglilinis. When I'm done cleaning up lumabas ako ulit at bumalik sa music room, sakto naman na may lumabas mula roon at laking gulat ko nang si bessy ito. I'm not sure if she was already there when Chase entered that room or maybe it's the other way around? 

But why? Shane told me ayaw niya nang makita pa ulit ang pagmumukha ni Chase, kaya nagtataka ako kung bakit magkasama sila sa music room nang umagang yun. Or maybe nagkataon lang na pareho silang pumasok sa room na yun in different time interval but did not saw each other naman. 

Nang silipin ko kasi yung music room pag-alis ni bessy ay wala ng tao sa loob. So sabi ko na lang sa sarili ko nagkataon lang siguro but after what happened awhile ago, bumalik na naman ang hinala ko. 

Pakiramdam ko kasi alam ko ang dahilan kung bakit nawala na naman sa mood itong si bessy. She may not have told me kung bakit biglang nag-iba na naman ang mood niya kanina pero malakas talaga ang pakiramdam ko na ang dahilan kung bakit palaging nawawala sa mood itong si bessy ay dahil kay Chase. 

Yes I saw him. Paglabas ko ng Mcdo, nakita ko si Chase kasama ang mga kaibigan niya sa kabilang restaurant. Hindi ko iyon sinabi kay bessy dahil natatakot akong magtanong. Isa pa I promised her na hindi ko na babanggitin pa ang pangalan ni Chase sakanya ever again. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon