CHAPTER 38: A PROMISE MADE

41.7K 773 11
                                    

Chapter 38: A Promise Made

Hindi naman kami nagtagal sa company dahil kinausap lang ni mom ang mga empleyado nila't nagpasalamat. Sumabay na rin sa amin si daddy pauwi kaya naging apat na kami sa kotse at si daddy na ang nagda-drive. 

Magpahanggang ngayon naman ay tulog pa rin itong si Chase sa aking balikat. Nagawa ko nang paglaruan ang kanyang ilong at pisngi pero di pa rin nagigising. Hindi naman ako nababagot kahit papano dahil ang cute niya pa rin namang tingnan habang natutulog siya. 

 
Sa amin na natulog si Chase dahil hating-gabi na rin kami nakarating sa bahay, pumayag naman si tito at tita dahil sigurado naman ang mga itong maayos lang ang kalagayan ni Chase.Sa guest room siya sa tabi ng aking kwarto matutulog ngayong gabi.

Sumapit ang umaga't nauna siyang magising sa akin. Nadatnan ko siya sa kusina kausap si mommy at nagtatawanan silang dalawa. Talagang malapit na ang loob ni mommy kay Chase. 

"Morning po Mommy!" bati ko sakanya tsaka lumapit para halikan siya sakanyang pisngi. Kita ko namang nagluluto pala siya ng pancakes habang si Chase naman ay nakatayo lamang sakanyang tabi at pinapanood ang kanyang ginagawa. 

Lumapit ako kay be pagkatapos at siya naman ang binati, "Good morning be." ngumiti ako sakanya ganoon din siya tsaka nilapit ang bibig sa aking tenga. 
 

"Ako walang kiss sa lips?" pinanlakihan ako ng mata sa sinabi niya't agad siyang napalo sa balikat. Pinangunutan ko siya ng noo at umiling-iling. Ke-aga aga ang pilyo na naman niya. Buti hindi siya narinig ni mommy, sigurado akong patay kaming dalawa kung nagkataon. 

"Tumigil ka nga."

Ngumuso lang siya sa akin tsaka bumulong ulit.

"Sige na nga, cheeks na lang." sabay turo sakanyang pisngi, nagdadalawang-isip pa ako kung pagbibigyan ko pero sigurado akong di niya ako titigilan kaya hinalikan ko na din siya sakanyang pisngi pero syempre mabilis lang. Isang kindat ang binigay nito sa akin kaya lihim naman akong napangiti. 
 

Nang matapos na ni mommy ang pagluluto ng pancakes, kumain na kami ni Chase, para lang pala yun samin kasi kumain na si mommy at kailangan niya na daw maligo dahil papasok pa siya sa trabaho. Pagkatapos maghugas ni mommy ng kamay ay umalis na siya ng kusina, kaya kami na lang ni Chase ang naiwan. 

"Be say ahhhh." nilalapit naman niya sakin yung tinidor na may pancake. Sinubo ko naman ito. Para lang akong uto-uto dito eh no. Hanggang sa maubos na nga yung pancake niya, hindi siya masyadong kumain kasi sakin pinakain lahat, baliw lang ano?

"Ito na lang sayo be, 'kaw naman kasi eh, meron naman ako sa akin mo pa pinapakain yung sayo." Nilagay ko sa plato niya yung tatlong pancake at tumawa naman siya. Buti na lang kinain niya at di na binigay sakin. Ano kaya yun?

 
Bago mag-lunch, pinauwi ko na si Chase, mabaho na kasi eh. Haha Joke! Mabango pa nga rin siya eh, di siya amoy pawis, baka kasi hinahanap na siya sakanila kaya pinauwi ko na. Noong una ayaw niya pa kasi wala daw akong kasama dito sa bahay pero di tumagal napilit ko na rin siyang umuwi. Kaya ko naman kahit mag-isa ako dito. Day off kasi ni Manang kaya ito kami-kami lang nila mommy nasa bahay ngayon.

"Are you sure you'll be fine mag-isa dito?" nag-aalalang tanong niya sakin.

"Ano ka ba! Oo naman! Umaga pa naman eh, ano naman mangyayari sakin dito? Tsaka bago naman gumabi uuwi na sila mommy. Sige na shu shu!" Pagtataboy ko sakanya palabas ng gate kaya nakabusangot ang kanyang mukha. 
 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon