CHAPTER 26: ALL ABOUT HER

44.5K 861 23
                                    

Chapter 26: All About Her

"Sige pa! Ayon! Tirahin mo dali!!"  pagsisisigaw ni Ken habang naglalaro silang dalawa ni Eric dito sa Timezone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sige pa! Ayon! Tirahin mo dali!!" pagsisisigaw ni Ken habang naglalaro silang dalawa ni Eric dito sa Timezone.


"Damn man! Galingan mo naman matatalo tayo nito eh!" panunumbat niya pa dito nang hindi na naman nito natamaan ang zombie sa screen.


"Easy ka lang pwede!!" naiinis na asik ni Eric sakanya tsaka sila nagpatuloy sa paglalaro.


Nandito kami ngayon sa mall tulad nang napagkasunduan naming magka kaibigan. Saturday naman ngayon tsaka wala ng poproblemahin sa school dahil tapos na ang exams.


Kanina pa kami naglalaro dito sa Timezone at halos pagsawaan na nga namin ang lahat ng laro dito. Napagod na ako kakalibot kaya naupo na lang muna ako sa isang bakanteng upuan dito sa loob. Pinagmasdan ko na lamang ang iba habang busy sa kani-kaniyang ginagawa.


Si Eric at Ken ay iba naman ang napagdiskitahan at naglalaro na ng arcade. Si Cris at ang girlfriend naman niya ay naglalaro ng dance revo. Si bessy at ang boyfriend niya naman na kararating lang galing probinsya ay nagsawa na kakapanood kaya nag window shopping na lang.

Naiwan akong mag-isa at hinihintay ang pagdating ni Chase. Wala pa kasi siya at isang oras na siyang late! Manonood pa naman kami ng sine ngayon. Nababagot na rin itong mga kasama namin, kaya naghanap ng kanya-kanyang mapaglilibangan.


Lumipas ang ilang minuto at nabagot na din ako kaya tumayo na lang ako at lumabas ng Time Zone. Lumapit ako sa isang ice cream stand at bumili ng ice cream.


Inabot ko kay ate ang bayad ko tsaka nagpasalamat. Nanatili pa ako sandali sa harap ng ice cream stand at tiningnan ang menu sa board habang kinakain ang binili kong ice cream. Wala din naman akong gagawin sa loob ng Time Zone kaya mabuti pang dito na lang ako kung saan matatakam ang mga mata ko.


"CHASE!" Napatigil ako sa pagkain ng ice cream nang marinig kong tinawag ni Cris ang pangalan ni Chase. Mabilis akong lumingon at hinanap si Chase. Nakita ko siya di kalayuan sa tapat ng Time Zone at nakasuot ng blue polo na medyo hapit sakanya at naka maong na pantalon. May suot din siyang itim na sumbrero at itim na sunglasses.


Napangiti ako at tatakbo sana papunta sakanya pero napatigil ako nang may lumapit sakanyang isang matangkad na babae. Nagulat ako nang bigla siya nitong yakapin sa likuran.


Sino kaya siya?


Mabilis na naitulak ni Chase ang babae sa gulat. Nilingon niya pa ito at nang makita kung sino ay nangunot ang kanyang noo. Tumatakbong lumapit sa dalawa ang girlfriend ni Cris at niyakap ang babae. Nagawa niya pa itong sumbatan pero di ko masyadong narinig ang sinabi niya.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon