CHAPTER 17: PROM NIGHT

57.9K 1.1K 99
                                    

Iniisahan talaga ako nitong si Chase eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Iniisahan talaga ako nitong si Chase eh. Mag-iisip lang ng tawagan may kapalit pang halik. Eh kung ingudngod ko kaya ang labi niya sa semento. Nakakainis at kailangan ko na talagang masanay sa kamanyakan ng lalaking 'to. Ako rin naman ang may kasalanan kasi nahulog ako sa pervert na 'to. Isa pa, mahal ko naman siya eh at boyfriend ko na rin naman siya kaya wala namang masama kung hahalikan ko siya.

So, okay lang bang pumayag na ako? Boyfriend ko na din naman siya hindi ba? Wala naman sigurong masama di'ba?

"S-Sige...Payag na ako." nakita ko ang pagkagulat sakanyang mga mata pero makailang saglit lang ay nagningning ang mga ito at sumilay ang matamis na ngiti sakanyang labi.

"T-Talaga?!" paniniguro niya pang ikinatawa ko. Para kasi siyang bata.

"Oo nga!"

"Pero nagbibiro la~..." may sasabihin pa sana siya pero hinalikan ko na siya bago niya pa man masabi ang sasabihin niya. Pagkatapos ko yung gawin ay agad akong nag-iwas ng tingin.

Naaadik na rin ata ako sa mga halik niya, baka sooner or later yung pagiging perverted niya makuha ko na rin pero wag naman sana.

Ang pananahimik niya ang nagpalingon sa akin sakanyang kinaroroonan. Baka kasi mamaya naturn off na pala sa akin eh. Pero hindi pala gano'n. Hindi pa pala siya nakabawi sa halik ko, tulala pa rin eh.

Lumipas ang ilang segundo ay nagawa niya nang makapagsalita, "Pwede isa pa??" pinandilatan ko siya ng mata kaya napanguso siya at napakamot na lang sa batok.

"Sabi ko nga isa lang..." lihim akong natawa nang pagsiklupin niya ang kanyang palad at nilaro-laro itong parang bata. Nakanguso pa rin siya ngayon at pasulyap-sulyap na lang sa akin.

Mga style nito eh!

"Ikaw na bahala mag-isip ha, gandahan mo." huli kong sinabi sakanya tsaka ako tumakbo papasok ng loob ng lote namin.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay tsaka lang ako naglupasay sa kilig.

Honestly, pinamulahan ako ng mukha sa biglaang paghalik ni Shane sa akin kagabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Honestly, pinamulahan ako ng mukha sa biglaang paghalik ni Shane sa akin kagabi. Lutang akong umuwi ng bahay at napagkamalan pa ni mom na uminom ako, kaya hindi ako nito tinantanan kagabi at pinagsabihan lang ako ng pinagsabihan.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon