CHAPTER 8: Bessy's Wish

100K 1.8K 213
                                    


★⋆★CHASE★⋆★

Mabilis na lumipas ang mga buwan at ngayon nga ay September na. Tapos na ang second periodical exam namin kaya papetiks-petiks na lang kaming mga estudyante ngayon. Malapit na rin pala ang field trip namin, last field trip na namin 'tong mga fourth year kaya napagdesisyunan naming mga magkakaklase na sumama.

Kasalukuyan akong nakatayo sa pintuan ng room namin at palinga-linga lang sa paligid. Limang araw ko na siyang hindi nakikita, teka mali! Limang araw na siyang hindi nagpapakita sa'kin. Iniiwasan niya ako and at the same time pinagtataguan. Hindi ko na rin siya makita sa village namin, kahit ang makasabay siya sa pagpasok at sa pag-uwi ay hindi ko na magawa.

"Hoy! Sino hinahanap mo? Kanina ka pa palinga-linga dyan ha!" tanong ni Ken na nakasilip na din sa labas ng pintuan. Sasabihin ko ba sakanyang si sadist ang hinahanap ko? Baka kasi iba na naman ang isipin ng gagong 'to eh. Sabihin ba naman sa'kin nung nakaraang araw na baka nagugustuhan ko na daw si sadist! Tawa lang ako ng tawa nang sinabi niya iyon sakin. Galing mag-joke eh.

"Wala!" walang kagana-ganang sagot ko sakanya tsaka bumalik sa upuan ko at sumandal dito.

As usual, bored na naman ako, itong dalawang ugok lang kasi ang kasama ko ngayon. Wala si Cris ngayon dahil may pinapa-asikaso kasi yung daddy niya sakanya kaya naman excuse siya ngayon sa klase. Ito namang si Ken at Eric eh walang ibang ginawa kundi kumain at maghanap ng mga babae, nababagot ako sa trip nilang dalawa at iba ang gusto kong gawin, yun ay ang asarin ulit si sadist.

Now where is she?! Hindi ako papayag na maisahan na naman niya ako ngayong araw!

"Labas muna ako." paalam ko sa dalawa tsaka ako tumayo sa upuan ko at lumabas ng room, mabuti na lang at hindi sumunod yung dalawa.

Nang naglalakad na ako sa hallway ginala ko lang ang mata ko sa paligid at sakto namang nakita ko ang taong hinahanap ko, nakaupo siya mag-isa sa isang sulok at may hawak-hawak na notebook. Napangisi ako at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan niya.

"Long time no see sadist!" malapad ang ngiting pagbati ko sakanya nang makalapit ako. Patamad niya akong tiningnan at inismiran lang tsaka ibinalik ang tingin sa notebook na hawak niya.

Woah! She has the guts to do such thing?!

"Ano na naman kailangan mo?" tanong niya sa'kin habang nakatingin lang sa notebook sa lap niya. The hell! Mas ginusto mo pang tingnan iyang notebook kesa sa pagmumukha ko!

Tumikhim ako at naupo sa tabi niya bago sumagot, "Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni sadist at nanigas bigla sa kinauupuan niya. Muntik na akong matawa nang makita ang naging reaksyon niya pero mabuti na lang at napigilan ko pa.

"T~Tigilan mo nga ako manyak! U~Umalis ka na nga!" nauutal na sagot nito sa'kin habang nakatungo. Mas natukso pa tuloy akong asarin siya dahil ang cute ng reaksyon niya!

Kinuha ko ang notebook sa lap niya tsaka ako tumayo at tiningnan ito. Nakita ko na rin siyang tumayo at pilit na inaabot ang notebook sa kamay ko. Hindi niya ito maabot-abot dahil itinaas ko ang kamay ko, hinayaan ko lang siya sa pagtalon-talon sa harap ko at pinagmasdan siya.

"Hoy! Ano ba! Ibalik mo na pervert! Ibalik mo na sabi eh! Ano ba! Akin na!" bakit ba kasi hindi ka katangkaran eh. I mean, matangkad naman siya pero talagang mas matangkad ako sakanya.

"Ibabalik ko in one condition." napatigil siya sa pagtatatalon at mataman akong tiningnan. Sa paraan ng pagtitig niya eh parang sinusuri niya ako ng mabuti.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon