CHAPTER 19 : APOLOGY ACCEPTED

42.2K 1K 57
                                    

Lumilipad ang aking isipan habang binabaybay ang hagdan paakyat sa ika apat na palapag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lumilipad ang aking isipan habang binabaybay ang hagdan paakyat sa ika apat na palapag. Binabagabag pa rin ako ng mga nangyari kagabi at dahil sa sobrang galit at inis na naramdaman kagabi ay nakalimutan ko ng balikan si Shane sa school.

Si Shane. Napatigil ako sa ika-apat na baitang ng hagdan nang maisip siya. F ck! Hindi ko pa rin alam kung paano mage-explain sakanya sa biglaan kong pag-alis kahapon sa prom. Nawala na naman ako sa tamang katinuan at nilamon ng galit dahil sa pagbabalik ng babaeng iyon.

At sinabi pa sa akin ni Cris na masusurpresa ako at matutuwa?! The hell! Kabaliktaran ang naramdaman ko nang makita siya sa aking harapan ng gabing iyon. All my hatred, sufferings and sorrow rushed through my body the very moment I laid my eyes on her. Gusto ko siyang saktan ng mga oras na iyon pero pinigilan ko ang aking sarili dahil ayokong makapanakit ng babae. May respeto pa rin naman ako kahit papano at ayokong gumawa ng gulo.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit na winaglit sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at napatigil din agad ng may makabanggaan ako sa hagdan.

Agad akong tinakasan ng dugo at pinanlamigan nang makita ang taong nabunggo ko. "Shane." lumabas sa aking bibig habang tinititigan siyang mabuti.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sakanyang mga mata kaya nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. I'm not that stupid para hindi malamang ako ang dahilan 'nun. I wanted to explain everything to her pero hindi pa ako handa. Hindi ko pa alam ang aking sasabihin. Gusto kong kapag sinabi ko ay maipapaliwanag ko ito sakanya ng mabuti para maintindihan niya.

"Ch-Chase?" her voice was shaking at nakikita ko ang pamumuo ng luha sa ibaba ng kanyang mga mata. Nataranta ako dahil dito at hahawakan sana siya pero pinigilan ko ang aking sarili at lumayo ng kaunti.

"Hinahanap mo ba ako kaya kayo pumunta dito?" Please wag mong sabihing oo! Hindi mo na kailangang gawin yun! Ako ang dapat na naghahanap sayo at hindi ikaw. Ako ang may kasalanan at hindi ikaw. Ako ang dapat na nahihirapan at hindi ikaw...Damn! I'm such a coward!

Mataktikang nakalapit sa akin si Tara nang hindi ko man lang namamalayan at binatukan ako nito sa aking ulo. Napadaing ako sa sakit na dulot nito pero hindi nagawang makapagsalita.

"Obvious ba! Ikaw itong may kasalanan pero siya pa itong naghahanap sayo! Alam mo bang kanina ka pa niya hinahanap! Hinintay ka din niya sa hallway ng lunch break para makapag-usap kayo pero ano? Nasaan ka?!" nanlumo ako sa sinabi ni Tara at tinapunan ng tingin si Shane na ngayon ay nakatungo na.

Bakit niya iyon ginawa?? Hindi naman niya 'yun kailangang gawin para sa akin. Sh*t! Parang gusto ko tuloy saktan ang aking sarili! Damn!

"Mag-usap nga kayo!" naglakad siya pababa ng hagdan at kahit pinigilan na ni Shane ay hindi ito lumingon at nagtuloy-tuloy lang sa pagbaba hanggang sa tuluyan siyang mawala at kami na lang ni Shane ang naiwan dito.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon