Chapter 2 : BAD TO WORST

116K 2.1K 71
                                    


❀⁂SHANE⁂❀

I slept well last night and it was a relief. Kahapon kasi ay nahirapan ako matulog, punong-puno ng isipin ang utak ko to the point na madaling araw na ako nakatulog. Well today is different, maybe that eerie feeling from last night was just nothing. Siguro nasa isip ko lang talaga yun.

Well anyway, I do hope magtuloy-tuloy ang magandang gising kong ito hanggang mamaya and I really do wish wala akong monster na makita sa school mamaya, you know who I am referring to right?

Bumangon na ako sa aking kama pagkatapos kong kausapin sandali ang aking sarili, naligo muna ako bago bumaba para kumain ng agahan. Sakto lang din kasi si mommy ay nag-aalmusal na din. Patakbo akong lumapit kay mommy at kinintilan siya ng halik sa pisngi.

"Morning mommy!" masayang bati ko sakanya. She greeted me in return and let me sit beside her. "Where's daddy?" pahabol kong tanong pagkaupo ko.

"Maagang umalis baby, he said he has urgent matters in their office so he left early this morning. You know what, never mind and eat. Baka ma-late ka." I nodded as a response tsaka inabot ang lagayan ng kanin at sumandok mula dito. Kumuha na din ako mula sa mga nakahaing ulam at nagsimula na ding kumain.

Mom and I, we really don't talk a lot this past few days. One of the reasons why she doesn't know what's going on with my life in school. I really wanted to tell her about what happened that day and about that kiss, because I once promised her, whomever my first kiss is, she'll be the first one to know about it. But geez! My first kiss is not worth sharing and hello! Never in my whole life kong pinangarap na mahalikan ng lalaki okay? I was like 5 years old when I said that promise to my mom, syempre bata pa, wala pang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid, mahilig pa sa mga disney princesses... That is not sooo me now... I changed. A lot.

I thanked mommy for the food then she drive me to school. Not all the time nagagawa niya akong mahatid sa school, mom is also busy with work along with dad. I got used to it, naiintindihan ko din naman kasing ginagawa nila itong dalawa para sa akin. Besides I am not there little baby anymore, I'm a grown up. I have my own life and I cannot be too dependent on my parents all the time.

So, here we are inside the car on our way to school. Nakadungaw lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin nang biglang sumagi sa aking isipan ang mukha ng lalaking iyon. I jumped out from my seat which startled mommy kaya napa 'holy cow'! na lang siya.

"Shane ano ba! I'm driving here, ano bang nangyari sayo?" My mom was freaking out and so was I. Nag-sorry na lang ako sakanya para tapos agad ang usapan. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sakanya na may mukha ng isang lalaki na biglang sumagi sa aking isipan kaya ako napatalon sa aking upuan.

Syempre if I said that, magtatanong siya kung sino. Ano namang sasabihin ko? Na siya yung lalaking sinugod ko sa room nila at binigyan ng malutong na sampal sa mukha at para makaganti sa ginawa ko eh, hinalikan ako sa labi? I'm sure she'll freak out more.

Nanahimik na lang ako ulit at dumungaw sa labas ng bintana. Good thing mom did not interrogate me more. Nabalik ang pag-iisip ko sa manyak na yun. Could that be a sign na magkukrus ang landas namin ngayon? Is that some sort of pangitain? Isang masamang pangitain?

That jerk! The next time I see him sisiguraduhin kong ako naman ang makakaganti sa kahihiyang ginawa niya sa akin!

Kung makita ko man siya sa school ngayon, pwes siya ang matakot sakin dahil di ko talaga palalagpasin ang ginawa niya. Nagawa niya pa akong tawanan pagkatapos ng ginawa niya at umastang wala lang yun lahat para sakanya! Nakakairita talaga!

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon