CHAPTER 31 : The Reason Behind

48.6K 902 17
                                    

Chapter 31: The Reason Behind

[CHASE]

Tanghali na ako nagising dahil napasarap ang tulog ko. Malamig kasi sa kwarto ko at nakabukas lang ang pinto sa may veranda para pumasok ang hangin sa loob. Kinusot-kusot ko ang aking mata bago naupo at sumandal sa headboard ng kama. Nang mahimasmasan na ako mula sa antok na nararamdaman ay agad na sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi.

Magpahanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lambot ng katawan ni be sa mga daliri ko. Kung hindi dumating ang mommy niya siguro'y di na talaga ako nakapagpigil at nakuha na ang puri niya. 

Her kisses is like a drug to me, nawala ako sa sarili ko bigla. Hindi ko na alam ang ginagawa ko at kahit sabihin ng utak ko na itigil ko na ay hindi ako sinusunod nito. 

Pumikit ako't nakita ang mukha ni be. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ko't parang gusto ko na ulit siyang makita. Sandali pa akong nag-unat ng kamay tsaka na tumayo sa kama. Bago pumunta ng banyo ay naisipan ko munang i-check ang phone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng mesa at bumungad agad sa akin ang fifteen missed calls lahat galing kay Patricia. 

'Now what?'

Isang katok sa pinto ang nakakuha ng atensyon ko kaya tumingin ako dito. 

"Come in." umalis ako sa tabi ng mesa at inabot ang sando sa kama tsaka sinuot. Sinuklay ko pa gamit ng daliri ko ang aking buhok bago pumasok si mom sa loob ng kwarto. 

"Your awake na pala sleepyhead. C'mon breakfast ka na downstairs, Shane is waiting for you kanina pa." Sandali akong natigilan sa sinabi ni mom tsaka nangunot ang noo. 

 
"Shane is waiting for me?!"

Tumango-tango si mom tsaka nagsalita,"Yeah. sabi niya kasi hihintayin ka na lang niyang bumaba para naman may kasabay kang magbreakfast. Nauna na kasi kami."

"Mom! Why did'nt you tell her to eat without me, gutom na yun for sure!" Ang babaeng yun talaga, pwede namang kumain nang wala ako nagpagutom pa. Tss. Pero kahit papano may parte sa aking tumatalon sa tuwa. 

Tumayo ako sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Narinig ko naman ang pag-upo ni mom sa kama ko. 

"Eh honey, sinabihan ko na rin naman siya eh pero sabi niya hihintayin ka niya. Anyway, pagkatapos mo dyan bumaba ka na at nang di ka na mag-alala sa prinsesa mo." Tsaka na lumabas ng kwarto si mommy. Sumunod na rin ako mga ilang minuto pa. 

Nakita ko si Shane na nakaupo sa may veranda at nakatingin sa labas. Dahan-dahan akong lumapit sakanya at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat naman siya kaya napatingin siya sa'kin. Nakita ko namang umiwas siya bigla ng tingin, nailang din tuloy ako. Siguro dahil 'to kagabi?

 Tumikhim ako para muling agawin ang pansin niya. "Ahhmm...B-Be, let's eat?" naiilang na yaya ko sakanya. Syempre ako dapat ang unang gumawa ng paraan para di siya mailang sakin, nadala lang siguro ako kagabi, di ko naman gustong gawin yun sakanya pero nabitin ako.

"Okay."

After eating, naglakad-lakad lang kami sa may dalampasigan. She is wearing a see-through dress na kulay itim and white mini shorts, that's why nakikita ang curves at kinis ng kutis ng katawan niya. Napalunok ako at nanabik na hawakan ulit ang katawan niya. Shet! How inviting be! Baka di ko mapigilan ang sarili ko ipasok kita ulit sa kwarto at gawin ang naudlot na pag-iisa natin. 

Oh damn Chase! What the hell! Minamanyak mo ang girlfriend mo sa utak mo! Manyak ka talaga! Pero di ko talaga mapigilan. I just can't help but stare at her beautiful body. Nakakatempt! 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon