CHAPTER 1: Meet Pervert and Sadist

160K 2.6K 181
                                    


❂✪⁂CHASE⁂✪❂

"Chase pare! Instant youtube star ka na!" Eric was laughing so hard as he tap my shoulder saying how proud he was because of what I did. Yup, what your thinking is right. It was about that scandalous day when a girl slapped me on my face and humiliate me in public.

Napangiti ako bigla ng maalala ang pangyayaring iyon. Napunta sa labas ng bintana ang aking tingin at bumalik sa aking diwa ang sunod-sunod na pangyayari partikular na ang paghalik ko sakanya.

I can still remember the reaction on her face. I wanted to laugh at her the moment it was over, no doubt, that was her first kiss. I think she was even traumatized from what I did, grabe talaga yung saya ko ng araw na iyon. Biruin mo, nakaganti ako agad sa pamamagitan ng bagay kung saan magaling ako. That should teach her a lesson. Ang lakas talaga ng loob ng tibo na yun.

Bago ko nga pala makalimutan, Ako nga pala si Chase Evangelista, spoiled, walang kwentang anak, pasaway at dakila daw na manyak. I was known in this school by that name, hindi ko alam saan nagsimula basta yun ang bansag nila sa akin. I'm 20 years old and yet fourth year highschool pa din ako.


I know what your thinking. I'm too old for highschool. Sabi ko nga kasi sainyo, masyado akong pasaway, wala akong kwentang anak at pariwara. Kapag sinimulan kasi akong tamarin sa pagpasok sunod sunod na yan hanggang sa buong school year ko na di papasukan but despite my absences I'm still taking lessons at home, yun eh kung sinipag.


Nag-iisang anak lamang ako ng aking mga magulang, because of there busy schedules at work hindi sila nagkakaroon ng time magtalik kaya ayun di na ako nasundan pa. I am a spoiled brat, lahat ng gusto ko nakukuha ko. Madalas kaming mag-away ni dad dahil sa makitid kong pananaw sa buhay but my mom loved me so much that my dad cannot do anything about it kapag si mom na ang nagsabi sakanyang wag akong pagagalitan. It was my mom who spoiled me and I love her so much.


"Nagawa pa pala nilang i-upload sa youtube yun?" people. Kahit ano na lang basta may mai-share at maipost ayos na. Napailing na lamang ako.


Bigla akong inakbayan ni Eric habang ngiting-ngiti ang loko, "What do you expect man? So, ano masarap naman ba?" sandali akong tumingin sakanya tsaka ngumiti ng nakakaloko. Mas ikinatuwa niya pa iyon dahil alam naman na siguro niya ang ibig sabihin ng ngisi kong iyon.

How can I say this anyway? It was just a peck on her lips, we did not do any movements aside from that. Masarap? Well, malambot ang mga labi niya. Yun lang ang masasabi ko.

"Iba ka talaga pre! Idol!" pagpuri niya sa akin habang ginugulo ang aking buhok.

"Dapat lang! Matuto ka sa master!" pagyayabang ko tsaka hinawi paalis ang kamay niya sa aking buhok. Muli kong inayos ang aking buhok tsaka tumayo sa aking upuan. Masyado akong ginugutom sa pinag-uusapan namin, I need to grab something to eat.

Hanggang ngayon, kami pa rin ang trending topic sa buong campus. I think it will take more than weeks to kill the topic. Syempre dahil sa nangyari, kumalat na naman ang pangalan ko sa buong school, not all students knew about my existence, some of them doesn't care, some of them are just here to study and focus on it. Siguro yung mga nakakakilala nga lang sa akin dito sa school ay yung mga babaeng mahihilig, mga mahihilig sa oppa, hopeless romantic, naghahanap ng pag-ibig at yung mga lalaking may galit at naiinggit sa akin. That girl she doesn't know me, siguro kasama siya dun sa studyholic na mga estudyante at walang pakialam sa mga issue sa school.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon