PROLOGUE

169K 2.9K 244
                                    

[SHANE]

"Shane! Si Tara umiiyak!" Nakakabulahaw na sigaw ng ilan sa mga kaklase ko sa may pinto habang natutulog ako sa aking desk. Agad na nangunot ang noo ko sa inis, tiim-bagang akong tumayo sa armchair tsaka naglakad papunta sa kinaroroonan nila.

"Sino nagpaiyak?!" napalakas ang timbre nang medyo maton kong boses. Sino ba naman kasing tao ang gustong ini-isturbo sila sa pagtulog?! Nasa kalagitnaan na ako ng aking siesta tapos may mambuburaot pa.

"Yung sikat na lalaki sa 4B! Y-Yung pervert na gwapo!" sandali akong napaisip dahil pamilyar sa akin ang tawag na yun. Siya nga kaya?

Winisik ko ang ini-isip at umarko ang aking kilay. Nagngi-ngitngit sa galit na lumabas ako ng room. Naglakad ako sa hallway patungo sa fourth floor ng building kung saan naroon ang room ng manyak na iyon. Halos lahat ng kaklase ko nakasunod sa'kin, yung iba hinihila na ang kamay ko at sinasabing bumalik na lang daw kami sa classroom.

Mga baliw ba sila?! Pagkatapos nilang magsumbong sa akin at isturbuhin ang pagtulog ko pabababain lang nila ako?! Takte! Bubungalan ko muna yung manyak 'dun sa itaas bago ako bumaba ulit!

"Kayo na lang bumaba tsaka bakit ba kasi kayo sumunod? Tuturuan ko lang yun ng leksyon tapos babalik ako ng room! Bumalik na kayo 'dun." Tsaka na ako dumire-diretso sa paglalakad hanggang sa marating ko ang section B. Nilibot ko ng tingin ang buong sulok ng classroom nila.

Kaunti lang ang estudyante sa loob at karamihan ay mga lalaki. Kapansin-pansin naman ang dalawang estudyante sa loob na naghahalikan. Nakakalong yung babae sa lalaki, nakapulupot ang mga braso nito sa leeg samantalang yung lalaki naman ay nakahawak lang sakanyang bewang.

Panginoon. Ginawa pang motel ang classroom! Sinong matinong tao ang gagawa nito sa school sa harap pa ng mga kapwa estudyante nila. Panay ang laplapan akala mo walang nakakakita! At itong babaeng ito naman, pumasok lang ba siya dito sa paaralan na ito para magpaturo ng kissing lesson? Sana naman naisip niya muna ang hirap ng mga magulang niya mapa-aral lang siya sa isang matinong paaralan. Nakakaawa ang mga magulang niya. Nakakairita!

Anyway, halata naman na siguro kung sino ang manyak na tinutukoy ng mga kaklase ko, ang gagawin ko na lang ay kunin ang atensyon niya pagkatapos ay tsaka ko siya raratratin ng mga matatalim na salita at bibigyan ng isang malutong na sapak at sipa sa katawan. Easy and my work is done! Siguro naman pagkatapos nun pwede na ako ulit bumalik sa pagtulog?

"Sinong hudas ang bumastos sa bestfriend ko?!" my voice echoed in the four walls of there classroom which got everyone's attention kaya lahat sila'y napatingin sa may pinto. Maging silang dalawa ay natigil sa paghahalikan habol pa ang hininga ng bawat isa. I was already eyeing on him when our eyes met. His eyes were expressionless compare to the girl sitting on his lap. Halatang-halata ang pagkairita sakanyang mukha. Siguro nabitin.

The guy whispered something on her ear then she pouted, pagkatapos nun ay tumayo na ito sa pagkakaupo sa hita ng lalaki at bago tuluyang umalis ay may pahabol pa itong halik sa kanyang labi. Gross!

Nagtagis ang tingin namin ni babae pagdaan niya sa aking harapan. Parang gustong gusto niya na akong patayin sa mga matatalim niyang tingin pero tinaasan ko lamang siya ng kilay. Parang gusto ko pa ngang asarin eh. "Ano nabitin ka teh? Landi pa!" Eh kaso baka imbes na matapos ko na agad yung pakay ko dito eh mas lalo pang mapatagal kaya hinayaan ko na lang.

Sinundan ko lamang ng tingin ang babae at doon ko lamang napansin na marami na palang mga estudyanteng nakatingin sa amin.  Mga tsismoso't tsismosa nga naman.

"Shane! Ano ba! Tara na, mapapagalitan tayo dito ng faculty!" natatarantang sabi ni Minda habang hinihila-hila ang braso ko.

"Di ako aalis hanggat di ko natuturuan ng leksyon ang pervert na yun!" turo ko sa lalaki sa loob tsaka siya ulit tinapunan ng tingin. Pinilit kong pakalmahin ang sarili sa kabila ng galit na nararamdaman ko. Ayoko namang mapagbuntungan ng galit si Minda, concern lang siya. 

Naputol ang pag-uusap namin ni Minda nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa loob ng silid. Sabay kaming napalingon sa gawi niya at mataman siyang tiningnan. Nakatayo na ito at iritado ang mukha.

"Ano bang problema mo at ang ingay-ingay mo?! Inisturbo mo pa yung libangan ko. Kung sabihin kong ako ang nambastos sa kaibigan mo, ititikom mo na ba yang bibig mo huh?!" may diin sa bawat salitang kanyang binitawan dahilan para mairita ako lalo sakanya. Blangko ang mga tingin na ipinukol niya sa akin pero di ako nagpatinag mula dito.

Pinaningkitan ko lamang siya ng aking mga mata tsaka maangas na nagpamewang, "Tama nga ang hinala ko! Mukha mo pa lang halatang- halata na ang pagkamanyak mo! Ang lakas ng loob mong bastusin ang bestfriend ko!" asik ko sa mismong harap ng mukha niya dahilan para mas tumalim ang tingin nito sa akin. Ako naman ay hindi nagpatinag, pinantayan ko ang talim ng mga tinginan nito sa akin. Angas masyado! Sarap bangasan ng mukha!

(ง'̀-'́)ง

"What are you so mad about huh? Nanay ka ba nang kung sino man 'yang babaeng tinutukoy mo at kung sumugod ka dito para akong nakagawa ng isang malaking krimen. Baka naman kasi naiinggit ka lang sakanya? Dinadaan mo lang sa ganyang paraan para mapansin kita. Baby all you have to do is request, I won't turn your request down." nakangising sabi nito, gulat na gulat naman ako sa mga pinagsasabi niya, nakaawang pa ang aking bibig at napapailing. Goodness! Napakayabang ng hay*p!

"G*go ka pala eh!" at ayon na nga, dahil sa sobrang galit ko hindi ko na talaga napigilan at nabigyan ko siya ng isang malutong na sampal sa mukha. Rinig na rinig ang sampal na iyon sa buong classroom and who knows baka sa outerspace.

I was too taken out by my anger na hindi ko na talaga kinaya pang pigilan ang sarili. Alam mo yung bomba sa loob ng katawan ko ay kusa na lang sumabog. And there I hit him... Hard, on his face. And the mark of my hand on him, it was painted red on his cheeks.

"Owwwwwww!!!" everyone reacted on that slap. They were on total shock even my friends, there jaws dropped.

It took minutes before he recovered from that hard slap on his face. The next thing he did is touched his cheeks and smirked. Napalunok ako the moment I saw him do that, hindi ko maintindihan bakit nagawa niya pang ngumisi kahit muntikan ng dumugo ang ilong niya sa lakas ng sampal na iyon.

Thoughts started to fill in my mind. What if he started thinking crazy things to do with me para lang makaganti sa pananakit at kahihiyang binigay ko sakanya? Hindi ko pa lubusang kilala ang lalaking ito, pano kung kasing lawak ng kamanyakan niya ang kalokohan ng isip niya? What the hell am I gonna do about that?! Isa siyang manyak na lalaki, hindi malabong manyakin din ako nito para lang makaganti siya sa akin. Hell no!

Ipaglinis niya na lang ako ng buong school tatanggapin ko pa pero. . .

Yung ito pa ang naisipan niyang gawin. . .

Yung bagay na sa buong buhay ko'y hindi ko pinangarap na gawin. . .

Hinawakan lang naman niya ang braso ko't sapilitan akong hinapit papunta sakanya tsaka itinaas ang kamay ko, nagtama ang tingin naming dalawa at di ko masundan ang ginagawa niya. Sunod ang marahas na paghila nito sa akin papunta sa pader at ang mabilis at madiin na pagpulupot ng braso niya sa aking bewang. . .

Labis na takot ang aking naramdaman, ginusto kong makawala pero huli na ang lahat. . . Nilapit niya sa akin ang kanyang mukha . . .

TSAKA. . .

TSAKA. . .

Tsaka niya ako mariin na HINALIKAN. . .

(⊙.⊙(☉_☉)⊙.⊙)

ღღღღღღღღ

A/N: Edited.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon