CHAPTER 15: OUT FOR A DATE

92.9K 1.5K 97
                                    


[SHANE]

Alas singko ng madaling araw nang makatanggap ako ng tawag at mula ito kay Chase. Humihikab pa ako ng sagutin ang tawag niya, nilagay ko lang ito sa tenga ko at hinintay na magsalita siya. Inaantok pa kasi ako at nakahiga pa rin.

"Let's go on a date." naimulat ko ang aking mga mata ng de-oras dahil sa pagkabigla. Naupo ako sa aking kama tsaka nagsalita, "H-Huh?! Nga-Ngayon?!" gagad ko sa kabilang linya. Narinig ko ang pagtawa niya pero makailang sandali lang ay sumagot na siya.

"Mamaya pa milady. Sige na tulog ka na ulit. Bye." pagkatapos no'n ay binaba niya na ang tawag. Biglang nawala ang antok ko dahil ume-eksena na naman itong puso ko.

Tingnan mo naman 'tong puso ko parang temang, magda-date lang kayo wag kang ano!

P-Pero teka! Date? Ano bang ginagawa sa date?

Alas nwebe ng umaga ay nasa sala ako at nanonood ng telebisyon habang kumakain ng cereals. Bigla namang tumunog ang doorbell sa labas ng bahay kaya napabalikwas ako sa aking kinauupuan at excited na dumungaw mula sa bintana.

Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi ng mamataan sa labas si pervert. Walang pakundangan kong tinungo ang pinto ng bahay namin at tinakbo ang aming gate. Ang matamis at nakakaadik na pabango niya ang sumalubong sa'kin. Hindi siya masakit sa ilong kahit na parang naligo na siya sa pabango.

"Hi! Pasok ka." paanyaya ko sakanya tsaka siya pumasok, isinara ko muna ang gate pagkatapos ay naunang maglakad papunta sa loob ng aming bahay. Nakasunod lang siya sa akin at walang kahit anong sinabi, nailang tuloy ako bigla.

May problema ba itong kumag na 'to?

Pasulyap ko siyang nililingon at nakatingin lang pala ito sa'kin. Hahayaan ko na sana pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang nakawan niya ako ng halik sa pisngi. Agad akong napahawak sa aking pisngi at napaawang ang bibig. Saglit akong natigagal sa aking kinatatayuan at ng makabawi ay nilingon ko siya pero wala na pala siya sa likuran ko at nasa porch na ng bahay.

"Dalian mo na!" sigaw niya mula dito tsaka ako kinindatan. Agad akong pinamulahan ng pisngi dahil sakanyang ginawa pero mabuti na lang at hindi niya na nakita dahil nagtuloy-tuloy na siya sa pagpasok sa loob.

Nadatnan ko siya sa sala at katawanan na si mommy. Nabaling lang ang atensyon nila sa akin nang tumikhim ako. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni mommy at isang matamis na ngiti naman ang kay pervert.

"Magbihis ka na daw baby at magda-date na daw kayo." humagikhik si mommy tsaka inasar-asar si pervert na katabi niya. Tinatawanan na lamang siya nito at hinahayaan si mommy sa pang-aasar.

"Saan nga pala tayo magda~I mean pupunta?" nakakahiya namang sabihin yung 'D' word baka di na ako tigilan ni mommy sa pang-aasar pagbalik ko mamaya eh.

"Basta, get dress." nangunot ang noo ko at napanguso. May pabasta-basta pa siyang nalalaman. Baka mamaya sa Manila Bay lang naman kami magda~ pupunta. Oh kaya dyan lang sa kanto-kanto at kakain ng kwek kwek at fishball. Psh! Dami pang arte di na lang sabihin eh!

"Mamaya ka na kiligin dyan baby at magbihis ka na." untag ni mommy tsaka ako pinagtutulak papunta ng hagdan.

Hindi na ako nakipagmatigasan pa kay mommy at umakyat na lamang patungo sa aking silid. Mabuti na lang at nakahanda na ang susuotin ko sa kama. Kinuha ko na lamang ito at nagtungo sa banyo para magpalit ng damit. Wala pang limang minuto nang lumabas ako ulit at tinungo ang full body mirror sa gilid.

Naglagay lang ako ng kaunting powder at nag-aalinlangan akong maglagay ng lipgloss. Baka kasi mapansin ni mommy naku! Walang katapusang pang-aasar na naman ang aabutin ko do'n! Isa pa, hindi naman ako mahilig gumamit n'yan. Nasanay na rin siguro sa'kin si pervert na simple lang ang ayos, hindi ko na siguro kailangan pang magpaganda kahit date. . .Oo na! Date ito! At kung talagang gusto ako nang pervert na yo'n kahit ano pa man ang ayos ko matatanggap niya!

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon