CHAPTER 7: A Cassanova

147K 2.1K 67
                                    

★⋆★CRIS★⋆★

Finally! Ngayon na ang simula ng Intramurals! Maaga kaming pumasok ngayon ni Chase dahil bago mag-umpisa ang laro namin mamayang alas nwebe ay may warm-up pa kami. Maniniwala ba kayong alas-singko pa lang ng madaling araw ay nandito na kami sa school para mag-jog paikot ng buong campus. Ganoon ka-determinado ang team namin manalo ngayong taon. Well, sana nga manalo talaga kami dahil ito na rin naman ang huling Intramurals namin sa school.

Nandito kami ngayon sa field at kasalukuyang nagpapahinga ni Chase dahil kanina pa kami tumatakbo, mabuti na lang at malamig pa ang simoy ng hangin pag madaling araw, parang ang sarap ulit matulog.

Naagaw ang pansin ko ng cellphone ni Chase na kanina pa tunog ng tunog, tinitingnan niya lang ito tapos papatayin at ibabalik ulit sa bulsa niya. Hindi naman siya alarm clock dahil kung alarm clock yun edi dapat hindi na siya paulit-ulit na tumutunog, satingin ko ay tawag yun.

Makailang segundo ay tumunog ulit ang phone nito, narinig ko siyang mahinang napamura tsaka ulit pinatay ang phone niya. "Why don't you just answer it?" inis na sabi ko sakanya dahil naririndi na ako sa tunog ng cellphone niya. Kanina pa talaga yan!

"Wag mo nga akong pakialaman Cris!" nabigla ako sa sinagot niya kaya di ko nagawang sagutin siya pabalik, nagsimula na ulit siyang tumakbo at sinabayan ang mga teammates namin.

The hell! Nagawa pang magalit sakin, siya na nga 'tong nakakaperwisyo! Damn!

Bumalik na lang din ako ulit sa pagjo-jog.

7 A.M at nagpapahinga na kami sa locker ng mga lalaki dito sa basketball gym. Kanya-kanya kami ng ginagawa at yung iba natutulog na. Pumasok sa loob ang coach namin na si Coach Villaruel at tinatawag na kami nitong lumabas at pumunta sa school quadrangle dahil mag-uumpisa na ang Opening Program.

Pumunta na rin kami sa quadrangle at madami na palang mga estudyante, hindi ko alam kung bakit nagtilian ang iba sa mga babae pagdaan namin, siguro dahil kay Chase?

Lumingon ako para tingnan siya at humihikab pa ito habang nagkakamot ng ulo. Nakatulog kasi siya kanina.

Pumwesto ang buong basketball team malapit sa stage, nakatayo lang kami sa gilid tsaka na nag-umpisa ang program. Nagsalita lang ang mga speakers para sa program at di ako nakikinig at palinga-linga lang sa paligid. Nakita ko pa si Tara, ang bestfriend ni Shane na may kasamang mga babae pero di niya kasama si Shane. Nasaan kaya siya?

"PLAYERS! GOODLUCK! Now, let the Intramurals 2014 begins!" naghiyawan at nagpalakpakan ang mga estudyante sa excitement na nararamdaman. Nakisali na din kami sa kalokohan ng ibang estudyante at naghiyawan at nag-asaran pa.

"Evangelista! Ikaw na ang sunod na magsasalita sa unahan!" pang-aasar ng mga ka-team namin habang tinutulak-tulak pa siya paakyat ng stage. Nakikisakay na lang sakanila si Chase at tatawa-tawa habang pakunwaring aakyat ng stage.

Loko talaga, kanina mainit ang ulo ngayon naman balik ulit sa dati. Sino ba kasi ang tumatawag sakanya?

Pagkatapos ng short program ay kanya-kanya na ng events na pinuntahan ang mga players, kami naman ay bumalik lang ulit sa gym, hindi pa naman kami ang unang maglalaro second game pa naman kami kaya naupo muna kami sa bleachers at manonood ng unang laro.

Napansin kong bigla na lang nawala si Chase sa tabi ko, kukulutin ko pa naman sana tungkol kanina pero naglaho bigla. Ang bilis din ng isang yun ha. Saan na naman ba pumunta ang lalaking yun?

"Pre, labas muna ako!" paalam ko sa isa sa mga teammates ko tsaka tumayo.

"Sige! Balik ka agad!" sagot niya tsaka ako tumakbo palabas ng gym, agad ko namang nakita si Chase sa may gilid ng entrada ng gym at tulad ng hinala ko ay sinagot niya na ang kanina pang tumatawag sakanya.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon