CHAPTER 36: CHASE SIDE

37.4K 749 15
                                    


Chapter 36: Chase Side


[CHASE] 


Mabilis akong nakarating sa bahay nila't nagdoorbell sa may gate. Ilang segundo lang ay lumabas ang mom ni Shane at taka akong tiningnan. 


"Oh Chase. Ikaw lang? Nasaan si Shane? Diba magkasama kayo?" tanong ni tita habang pasilip-silip sa aking likuran. 


"Sh-She's not with me tita. M-May nangyari po kasi..." bigla akong napayuko sa hiya dahil sa nagawa ko sakanyang anak. Wala naman akong narinig na kahit na ano mula sakanya at hinawakan lang ang aking balikat. Inangat ko ang aking ulo at malungkot ang mga matang tiningnan siya. 


"Pasok ka muna doon muna siya hintayin sa loob." umiling-iling lamang ako kay tita at sinabing dito na lang ako sa labas maghihintay sakanya. Nag-aalinlangan pa siyang pumayag noong una pero sumuko din siya makailang pilit.  Naupo ako sa hagdan paakyat ng gate nila at doon naghintay. Tiniis ko ang lamig na yumayakap sa akin kahit na nangangatog na ang aking katawan. 


Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang makausap si be at makipag-ayos sakanya. Alam kong galit yun sakin at nasaktan ko siya. Ano bang gagawin ko? Hindi ako mapakali sa mga sandaling ito. Hindi ko matanggap na nagpagamit ako sa Patricia na iyon at sinaktan si Shane. What the hell am I thinking?! 


Bakit nga ba ako nagpauto sa babaeng iyon at the first place? Damn Chase! Duwag ka talaga! 


Natigilan ako sa pag-iisip nang may maramdamang dumaan sa aking tabi. Agad akong napatayo sa pagkakaupo at mabilis na inabot ang braso ni Shane nang makita ko itong bubuksan na sana ang gate ng bahay nila. Natigilan siya sa ginagawa pero hindi ako nilingon.


Dagdag kirot sa aking dibdib ang ginawa niyang iyon."Be are you mad at me?" nanghihinang tanong ko pero hindi pa rin siya lumingon. 

 

"Please look at me." pagmamakaawa ko pero kumikirot lang ang dibdib ko dahil di niya ako magawang lingunin. Napayuko ako at nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Nabigla na lang ako nang bigla niyang higitin ang braso sa pagkakahawak ko't mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila.


Napatulala ako sa gate nila't desmayadong napabuga ng hangin. Naikiyom ko ang aking kamao at paulit-ulit na sinuntok ang pader sa aking harapan. 


"SH*T!!!" Paulit-ulit na lumalabas sa bibig ko. Hindi ko mapigilang magmura, lalo pa't ngayon ay galit sakin si be.

 

Latang-lata akong umuwi ng bahay at dahil sa sobrang kalasingan ay bagsak ako agad sa kama. 


Kinaumagahan, masakit man ang ulo ko dahil sa hangover ay sinikap ko pa ding hanapin ang phone ko para itext at suyuin si Shane. Ilang beses akong nagsend ng messages sakanya, ilang beses ko siyang tinawagan, kahit hilong-hilo ay pinuntahan ko pa siya sa bahay pero kulitin ko man siya ng kulitin ay wala pa ring nangyari. 


Bigo ako nang araw na iyon at kahit anino niya'y di nagpakita sa akin. Ewan ko ba pero para akong mababaliw sa pagkabalisa... Hindi ko na magawang makakain ng mabuti dahil wala akong gana, wala akong ibang inisip kundi siya at di ko na matutukan ang ibang bagay. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon