CHAPTER 32: KASAMA KANG TUMANDA

55K 936 24
                                    


Chapter 32: Kasama Kang Tumanda


After ng girl bonding namin nila tita ay sing-bilis ni superman na bumalik ako agad ng lodge. Nauna na ako sakanila sa sobrang excitement at tuwa na makita ulit si be. Ilang oras din kaming nagkalayo eh. Isa pa sa mga sinabi ni tita sa akin kanina mas nagkaroon ako ng rason para makita agad siya. 


Alas sais na ng gabi at papalubog na ang haring araw. Nakarating ako sa lodge na naghahabol ng hininga, palinga-linga dahil di ko alam kung saan ko hahanapin ang lalaking yun. Pumasok muna ako sa loob ng lodge namin at pinakiramdaman ang buong paligid. Parang walang tao. 


Nasaan sila?

 

Napagdesisyunan ko munang umakyat ng kwarto ko at magbihis dahil nanlalagkit ang buong katawan ko sa massage lotion na ginamit sa akin kanina. Gusto ko na ngang maligo eh pero di daw muna pwede. So ayun, nagbihis ako pagkatapos ay bumaba ulit. 


Dumiretso ako sa kusina dahil nakaramdam ako nang matinding gutom. Agad kong binuksan ang ref at kinuha ang unang pagkain na nakita ko sa loob nito, chips ahoy at sinamahan ko na din ng inumin. Lumabas ako ng munting veranda pagkatapos. Nagbabakasakaling mamataan sina Chase pero ang paparating na sina mommy ang nakita ko. 



Nang makalapit sila ay tumigil si mommy sa may entrada samantalang si tita ay nagtuloy na papasok sa loob. "Shane, bakit ka pa nandito?" taka kong tiningnan si mommy at sinalubong ang tingin niya. 


"Po mommy?" 


Bumuntong hininga si mommy at umiling bago nagsalita. "Baby, were you not told about tonight's event?" Event? Wala namang nagsabi saking may event ngayong gabi ah. Tsaka anong event?

"What event mommy? Tsaka, wala naman pong nagsabi sa'kin eh."

"Ayy naku, just go there at the beach, makikita mo 'dun ang dad mo tsaka sila Chase. baka nagluluto na yun ng barbeque. Go!" Para akong batang itinayo ni mommy sa upuan at tinulak pababa ng stairs. Kinuha niya yung chips ahoy na hawak ko pati din yung tropicana juice sa kabilang kamay ko.


"Teka mommy di pa ako tapos kumain." pagmamaktol ko tsaka tinangkang abutin pabalik ang kinakain ko pero mabilis niya itong nailayo. "Baka di ka na makakain n'yan mamaya. Sige na." pagtataboy sa akin ni mommy kaya wala na akong ibang nagawa kundi maglakad papunta sa tabi ng mga nipa huts.


As I was walking, kapansin-pansin ang mga nakaset up na table sa buhanginan. Pahaba ang mga ito at may mga upuan sa gilid. May mga candle lights din at bonfire malapit dito. Simple yet beautiful. 


Sinuyod ko ang buong paligid at namataan sina daddy na nag-iihaw ng barbeque malapit sa dalampasigan. Isang matamis na ngiti ang agad na gumuhit sa aking labi nang matigil sa isang tao ang aking tingin. 


Sandali ko siyang pinagmasdan mula dito sa malayo. Tumutulong siya kina daddy sa pag-iihaw ng barbeque sa pamamagitan nang pagpaypay sa ihawan. Napatulala ako't tinangay ng hangin ang katinuan. Sobrang gwapo talaga ng be ko sobra! Sobrang swerte ko talaga sakanya. . . If ever man na dumating sa puntong magsawa siya sa akin gagawa ako ng paraan para mahalin niya ulit ako... 


Mahirap makahanap ng lalaking 'sing perpekto niya, bagsak nga lang nang kaunti sa pag-uugali pero pwede na 'ding pagtyagaan! 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon