CHAPTER 30: WE ALMOST DID IT!

54.1K 950 45
                                    


Warning: Read at your own risk. . .


Chapter 30: We Almost Did It!


[SHANE]


Pagkatapos naming maligo sa dagat habang nagkukulitan eh pumasok na kami sa loob ng lodge para magpalit ng damit. Isang simpleng red floral sando lang ang sinuot ko at isang black mini short na medyo hapit sa pwet. 


Ilang beses ko pang tinitigan ang sarili sa full size body mirror sa kwarto ko bago ako makuntento sa suot ko. Kanina ko pa tinitingnan ang pwetan ko at chi-ne-check kung maumbok ba ito kagaya nung mga babae sa labas kanina. 


Yung manyak ko kasing boyfriend, sabihin ba naman sa akin na ang pinakapaborito daw niyang parte ng katawan ng babae ay ang pwet! Gustong-gusto niya daw kapag pinipisil niya ito dahil sobrang lambot. Nare-relax daw siya eh kung tutuusin nang mamanyak lang naman siya! 


Gusto daw niya sa babae maumbok ang pwet kahit di na yung hinaharap. So, paano na lang pala kung di maumbok itong pwet ko? Edi iniwan na ako't naghanap ng iba?! Psh...Bwesit talagang manyak na yan! Ang daming arte!


Pagkatapos kong kausapin ang sarili sa salamin ay bumaba na ako sa kusina para kumain. Kumpleto na silang lima doon at nagsasandok na ng kanin si Chase. Napanguso ako dahil di man lang ako inantay ng kumag. 


G na G!


Padabog akong naupo sa tabi niya at di siya binalingan ng tingin. Nagulat na lang ako nang salinan niya ng kanin ang plato ko. Nakangiti pa siya habang ginagawa iyon. Napayuko na lang ako dahil sa nanunuksong titig ng mga magulang namin. 


"Kumain ka ng madami be. Alam ko napagod kita kanina..." marahas akong napalingon sa gawi niya at hayun ang mga mapanukso niyang ngisi. Idagdag mo pa ang naisip ko sa sinabi niya. 


Argh! Ang manyak na 'to talaga!


"Ch-Che!" tinabig ko ang kamay niya at kumuha ako ng barbecue at adobo tsaka ito inilagay sa plato ko. Nakikita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatitig siya sa akin pero di ko na lang pinansin kahit naiilang na ako. 


"Eatwell be." pagkasabi niya nun ay nagitla na lang ako bigla ng halikan niya ako sa pisngi. Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha at tulirong binalingan siya ng tingin. Nagsimula na siyang sumubo sakanyang kutsara at parang wala lang sakanya yung ginawa niya kahit nasa harap sina mom at dad. 


Hindi na lang ako nagsalita pa at kumain na din. Pinapakinggan ko lang ang pinag-uusapan nila mommy at tita at paminsan-minsan ay sumasabat din ako sa usapan nila. 


Natapos kaming kumain at dumiretso ako sa lanai nitong lodge para magpatunaw ng kinain. Naramdaman ko naman ang mabilis na pagpulupot ng braso ni Chase sa bewang ko mula sa likuran. Bumuntong hininga lang ako at pinabayaan na lang siya. 


"Galit ka be?" tanong niya na nakasilip sa gilid ng mukha ko. Hindi ko siya sinagot at tumingala lang sa kalangitan. Hindi naman ako galit, napipikon lang ako dahil sa lakas ng mga trip niya. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon