CHAPTER 20 : REASON THAT I LOVE YOU

50.4K 1.1K 71
                                    

Nakahiga pa ako sa kama at natutulog nang may biglang kumatok ng malakas sa pinto ng aking kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakahiga pa ako sa kama at natutulog nang may biglang kumatok ng malakas sa pinto ng aking kwarto. Napabalikwas tuloy ako at tiningnan ang orasan sa side table. 

Mahina akong napamura nang makitang alas sais y medya pa lang ng umaga. Balak ko sanang dedmahin na lang yung kumakatok pero dahil sa masyado na itong maingay ay wala akong ibang nagawa kundi tumayo at pagbuksan ang isturbo sa labas. 

"Rise and shine my cheesecake!" 

Muntik na akong matumba sa sahig nang bigla niya akong sunggaban ng yakap. I was still in the state of shock kaya hindi ko siya agad napagtulakan palayo. 

Nang tuluyan na akong makabawi sa pagkagulat ay mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. The hell! Bakit siya pinapasok ni mom sa bahay?

"What are you doing here?! Please! It's too early para mangulit ka." kunot-noo akong naglakad pabalik ng kama ko at muling nahiga. Nagtalukbong lang ako ng kumot para hindi siya makita. 

Seeing her is making me so furious. Hindi ko alam kung bakit naatim niya pang ipakita sakin ang pagmumukha niya pagkatapos niya akong saktan at iwan. Wala bang epekto sakanya ang naging pag-iwan sa akin? Maybe because ginusto naman talaga niya iyon. 

"Hey! Don't tell me you're going to sleep again? Cheesecake get up!" nakakabingi ang matinis niyang boses kaya napatakip na lang ako ng tenga. Kung dati ay nasisiyahan pa ako kapag naririnig ang boses niya ngayon parang gusto ko na lang itong isumpa! 

Isa pa, she's calling me that nickname again! Kung noon ay gustong-gusto ko pa ang tawag niyang iyan sa akin ngayon ay nagngingitngit ako sa galit at kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ito. 

I guess everything between us really did change. Kahit katiting na pagmamahal parang wala ng natira para sakanya. Wala na nga ba talaga? O baka nadadala lang ako ng sobrang galit sakanya kaya nakalimutan ko na? I don't know. Bakit ko pa gugustuhing malaman, meron na akong ibang mahal.

"SH*T! JUST LEAVE THE ROOM WILL YOU?!" hindi ko na napigilang singhalan siya sa sobrang inis. Maramdaman ko lang ang presensya niya sa tabi ko ay kumukulo na ang dugo ko! 

"Gusto ko lang naman ibalik yung dati between us Chase." The f ck what?! Nagpapatawa ba siya? Ibalik sa dati? 

"Ibalik?! You left me with no reasons, you just left. Naglaho ka na parang bula! You left me hanging Patricia, tapos after 2~ no 3 years magpaparamdam ka ulit? Your not expecting that everything is the same as it was!" tuluyan na akong nawala sa mood at padabog na tumayo ng kama ko at naglakad papunta sa banyo. 

Bumibigat ang dibdib ko at di ko makalimutan ang sakit na dinulot niya sa akin ng mga panahong siya pa ang mahal ko. I begged her, almost gave up everything at the age of 15. I was deeply inlove with her kahit marami ang nagsasabing puppy love lang ang nararamdaman ko sakanya. 

The hell they know what I feel! Tinamaan ako kay Patricia ng mga panahong iyon at para sa akin handa akong hamakin ang lahat para sakanya pero sinayang niya lang iyon!

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon