CHAPTER 28: THE PARTY

45.3K 892 41
                                    


Chapter 28: The Party


[CHASE]


Today is our graduation day at nandito na kaming lahat sa pagdarausan ng event. Kumpleto kaming lahat ngayon dito maging ang mga kamag-anak ko ay di pinalampas ang graduation ko. 


Syempre mawawala ba ang bebe of my life na si Shane? Syempre nandito din siya! Kasama ko siya ngayon at kausap ang mga pinsan ko. Hindi ko naman masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil nahahati ang atensyon ko sakanila at sa mga tita ko. 


Hindi naman siya naaout of place kahit papano kaya hinahayaan ko lang silang mag usap ng mga pinsan kong mga babae. Hindi ko siya hinahayaang makipag-usap sa mga pinsan kong lalaki kasi mahirap na! Baka masalisihan! 


Lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na din ang program naming mga fourth year. Tumayo ang lahat para sa Opening Prayer at sinundan ng National Anthem. pagkatapos 'nun ay pinakilala ang aming guest speaker at ang iba pang mga guest. 


Nagbitiw na rin ng kani-kanilang speech ang guest speaker namin pagkatapos ay tinawag na kami isa-isa sa stage. Marami sa amin ang umiyak nang umakyat sa stage kasama ang mga magulang nila. Ako naman ay hindi naiyak pero natuwa ako. Sobrang tuwang-tuwa dahil at last! Nakatapos din ako ng highschool. 


Hindi ko talaga inaasahang makakapagtapos ako. Biruin mo, dalawang taon akong nagpabalik-balik sa fourth year dahil sa katarantaduhan ko. Natatawa na lang ako sa tuwing nagbabalik tanaw sa mga pinaggagawa ko noon. Ang pagiging Cassanova ko, ang pagiging adik at basagulero, lahat binalikan ko hanggang sa kasalukuyan at kung papano nagtagpo ang landas namin ni Shane. 


I changed when I met her. Nakakatuwa lang isipin na ang isang walang kainte-interes na babae ang nakapagpatino sa akin. Well, ganoon nga talaga siguro. Hindi naman ako nagsisisi na siya ang pinili at minahal ko. 


Hinanap ko siya bigla sa crowd nang mahawakan ko na ang diploma ko at kumaway sakanya. Kumaway siya sa akin pabalik at nakangiting umiiyak. 


Nang matapos tawagin ang lahat ng graduates ay sunod naman naming kinanta ang aming graduation song. I'll really miss highschool, lalo na 'tong mga lokong classmates ko. Napapangiti na lang ako tuwing nagbabalik-tanaw sa mga kalokohang minsan naming pinaggagagawa. Ang maging pasaway sa school, ang mang-bully sa mga freshmans, pangti-trip minsan sa mga guro at kung anu-ano pang kalokohan sa classroom. 


May mga oras din namang matitino kami at nagdadamayan sa tuwing may isang dehado sa klase. Naaalala ko pa isang beses nang magkaroon kami ng group study sa bahay ng kaklase namin. Todo aral kami noon para makapasa lang sa lahat ng exams at sabay-sabay na makausad sa fourth year. Karamihan nga ng kaklase ko ng third year ay kaklase ko pa din ngayon. Mamimiss ko din ang mga kulitan namin kasama ang aming mga guro. They taught us well at naging mapagpasensya sa pagtuturo. I have learned and enjoyed a lot, for the first time, nag-enjoy ako sa pagiging higschool student. 


"Congratulations Graduates!" pagbati ng Emcee sa amin at sinundan ito ng malakas na palakpakan na pumuno sa buong gymnasium. Sabay-sabay na rin naming inihagis ang aming graduation caps. After ng ceremony, umuwi na kami para sa party na inihanda nila mommy para sa'kin. Kaunting salo-salo lang with family,relatives and friends.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon