CHAPTER 40: He's Leaving

41.7K 827 14
                                    



Chapter 40: He's Leaving


[SHANE] 


Mabilis na lumipas ang mga araw at nandito ako sa labas ng bahay nila Chase, isa-isa nang kinakarga ng kanyang daddy ang mga natitirang gamit niya sa trunk ng kotse. 


Ngayon na kasi ang nakatakdang pag-alis ni Chase papunta sa condo niya. Ganon ganon lang lumipas ang dalawang linggo at parang di ko nasulit ang mga araw naming dalawa na magkasama. Mamimiss ko talaga siya kahit saang anggulo mo pa tingnan! 


Hindi ko alam kung papano ko ba mali-lift up ang mood ko, gustuhin ko mang ngumiti ngayon at maging masaya parang di ko talaga kaya. 


"Hoy." tawag ba yun sakin ni Chase? At kailan niya pa ako tinawag na hoy? Nakakatampo naman 'tong lalaking 'to, aalis na nga lang... 


Hinawakan niya ang aking baba at itinaas ito para magpantay ang tingin naming dalawa. Pinakatitigan ko lamang siya at di ko nagawang makapagsalita. Para kasing bibigay ang boses ko kapag sinubukan ko pang magsalita. Lalo pa ngayon at kitang-kita ko din ang lungkot sakanyang mukha. 


"Pumapangit ka kapag nakasimangot be, hindi bagay sayo." anak ng tokwa at nagawa pang magbiro! Nakakainis siya...   

 

"Wag ka na ngang sumimangot dyan, nahahawaan mo ako eh..." sa oras na ito'y di ko na napigilang mapahikbi. Mamimiss ko talaga siya! 


Binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap at tumagal ito ng ilang minuto. Parang ayoko na ding kumalas sa pagkakayakap niya dahil alam kong kapag bumitiw ako times up na. Aalis na siya. . .


"Okay ka na ba?" tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin. Pinilit ko namang ngumiti sa kabila ng bigat sa aking dibdib. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at sinipat ang aking mukha pero iniwas ko ito sakanya. Maya-maya lang ay nasilaw ako bigla sa flash ng camera kaya napatingin ako sakanya.


 "Ano yun?!" tanong ko sakanya pero dedma ako't nakangisi lang siyang nakatingin sa phone niya.


"Remembrance." aniya tsaka tinago ang phone sakanyang bulsa. 


"Delete mo yan! Marami naman tayong picture na maganda bakit yan pang stolen na yan ha! Akin na nga! Patingin ako! Buburahin ko!" nakipagbuno ako sa pagkuha ng phone sa bulsa niya pero sawi ako dahil panalo pa rin siya lalo na sa pang-aasar, hindi ko kayang tapatan. 

"Ayoko. Ito gusto ko..."


"Abnormal ka talaga! Patingin ako!" tinawanan niya lang ako ulit tsaka siya lumayo sa akin.

"Kapag nalungkot ako, titingnan ko lang yung picture mo for sure mawawala na yung lungkot ko kasi matatawa ako." So ganun ako kapangit sa picture para matawa siya?? Pinagtitripan na naman niya ako! Nakakaasar na siya kaya di ko naiwasang mapanguso tsaka siya inirapan. 


Naputol ang pagtatalo naming dalawa nang tawagin na siya ng kanyang daddy, aalis na daw sila...

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon