CHAPTER 4 : Pervert versus Sadist

125K 2.2K 84
                                    


❀⁂SHANE⁂❀

Nakakarinig ako ng boses sa aking paligid pero hindi ko masabi kung sino. Hindi ko nga din maintindihan ang sinasabi niya...

Nang maipon ko ang buong lakas ay dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Mukha ng isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin. Ginusto kong magulat dahil 'di ako makapaniwala na siya nga itong nakikita ko pero di ko magawa. Isa pa, bakit nakangiti ang lokong 'to sa akin?

"P~Pervert?"

Bigla siyang napalayo sa kinahihigaan ko nang magsalita ako. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero ramdam na ramdam ko ang sobrang panghihina... Ano bang nangyari sa akin? Nasaan ba ako?

"G~Gising ka na. Mabuti naman. Ah eh... Nasa hospital ka. Hindi mo ba naalala 'yung nangyari sa'yo?" mukhang nakita niya sa mukha ko ang pagtataka ha. Umiling-iling ako tsaka ulit siya nagsalita. "Nadulas ka sa hagdan at nabagok ang ulo mo, apat na araw ka nang natutulog. Bukod sa kaunting galos, nagkaroon ka 'rin ng fracture sa braso pero in a few days pwede na 'rin alisin ang semento sa braso mo. Though hindi mo pa 'rin pwedeng gamitin masyado ang left arm mo." A~Ano?! Apat na araw?! Ganon na katagal akong tulog?! No wonder hinang-hina ako.

"Parating naman na siguro ang mga magulang mo. Aalis na rin ako pagdating nila." isang tango ang sinagot ko sakanya tsaka tumingin sa kisame at pumikit.

Sa lahat ng taong pwede kong makita dito sa silid ko, hindi ko inaasahan na si pervert pa. Parang kailan lang noong sumugod ako sa computer shop at pinagbantaan siya ng masama pero ngayon siya itong nagbabantay sa akin habang nasa coma ako. Nabagok din ba 'yung ulo nito? Bakit biglang bumait? May nangyari bang himala habang natutulog ako?

I mean seriously, he is the last person I expected to be here in my room, bakit naman niya ako dadalawin di'ba? Eh hello! Magka-away kaya kaming dalawa.

"Okay lang naman sa'yo kung iwan na kita di'ba?" syempre tumango ako. Alam mo ba kung ga'no ka-awkward na nandito ka sa room ko ngayon? Tsaka 'yang kabaitan mo? Kaplastikan lang ba 'yan o pakitang-tao?

"Ahm. By the way, sadist. Gusto kong mag-sorry sa nangyari sayo. Gusto ko ng fair fight at hindi ko ginusto na ganito ang mangyari sa'yo. I already talked to Maica about this at hindi na ito ulit mauulit. Isa pa, expelled na siya sa school kaya di ka na niya babalikan. 'Yun lang, see you in school." at pagkatapos 'nun ay umalis na siya. Nagpaulit-ulit naman sa aking isipan ang mga sinabi niya. Did he just say sorry? Jusko naninibago ako! Parang ang bilis naman ata ng mga pangyayari. Teka! Teka! Bukod 'dun, na-expel si Maica?

❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃❀⁂❀❃❀⁂❀

Dalawang araw pa akong nanatili sa hospital bago ako tuluyang na-dis-charge. Ofcourse I needed to stay home for a few more days bago ulit makapasok but at least I'm out of that hospital.

"We're so glad na okay ka na ulit bessy. Ang dami mong na-miss sa school na 'tin. Na-mi-miss ka na rin ng mga classmates na 'tin alam mo ba 'yun?" walang mapaglagyan ang saya ni bessy habang nagkukwento siya nang kung anu-ano.

"Papasok na ako sa Monday, ang dami ko nang na-miss na subjects. For sure, madami rin akong notes na isusulat sa notebook." iniisip ko pa lang yung sandamakmak na susulatin ko parang gusto ko na lang manatili sa bahay at matulog. Pero dahil isa akong ulirang estudyante kailangan kong magsipag dahil ayoko namang maging kawawa at mahuli sa mga lessons sa school. Kaya ayokong um'absent eh.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon