CHAPTER 43: SCHOOL DAYS

36.3K 682 28
                                    

✤⁑SHANE⁑✤

Kasalukuyang akong nakaupo sa armchair ko ngayon at nakadungaw lamang sa labas.

Maaga akong pumasok ngayon at ako ang pinakaunang dumating dito sa classroom namin, magdadalawang-oras din ang nakalipas bago nagsidatingan ang mga kaklase ko, maging si Tara.

Hindi naman siya nagtanong about sa nangyari kahapon at humingi lang siya ng sorry sa eskandalong nagawa niya raw. Natawa na lang ako at umiling-iling. "Ano ka ba, kung sayo nangyari yung nangyari sa akin, baka buong militar pa ipatawag ko sa paghahanap sayo." tsaka kami natawang dalawa sa sinabi ko.

"Okay ka lang ba bessy?" 

"Yup. Sumakit lang tong lalamunan ko." nagasgas kakasigaw ko kahapon sa sasakyan. Ang sama tuloy ng pakiramdam ko. 

"Ano ba pangalan nung guy na yun?" 

Teka, ano nga ulit pangalan ng ugok na yun? Alvin? Asin? Aspin? Askal? Basta, may Arc yun eh. Napalalim naman ang pag-iisip ko dahil pilit ko talagang inalala yung pangalan niya tsaka ko ito muling naalala. Alam ko na! "Arkin." 

"Wow! Cool name ha! Pano ka daw niya nakilala?" 

"Wild guess lang daw niya yung pangalan ko." Matipid lang ang mga binibigay kong sagot kay bessy, sakit pa kasi ng lalamunan ko. Medyo inaantok din ako dahil di ako nakatulog ng maayos kagabi. Nabigla na lang ako sa tinanong ni bessy kaya parang nagising ang buong kaluluwa ko. 

"Bessy, kung di yun kidnaper, ano yun manliligaw mo?"

* * * *

Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni bessy kanina gawa ng nag umpisa na ang klase namin. Kaya nga siguro hindi matahimik sa kanyang kinauupuan si Tara at kanina pa lingon ng lingon sa gawi ko. Napabuntong-hininga ako't sinilip ang phone sa ilalim ng mesa, inaantay kung may text mula kay be, miss ko na siya.

Iniisip ko kung ikukwento ko ba sakanya ang tungkol sa nangyari sa akin, maging ang misteryosong lalaking halos kawangis ng kanyang tawa. Sasabihin ko ba or siguro wag na lang muna? Sa personal na lang siguro pag-uwi niya this coming weekends, para naman hindi siya mag isip ng kung ano.

Dumating ang ikalawang klase namin sa umaga at sobrang tahimik lang sa loob ng silid. Ako'y abala sa pagsusulat at hindi pinapansin si bessy na wala na namang tigil sa pangangalabit. Kung di ko lang talaga mahal 'tong babaeng 'to, nakatikim na naman 'to ng pananakit mula sa akin, ang kulit masyado ee.

Nagpangalong-baba na lang ako, para di makita si bessy sa aking tabi at nagpatuloy sa pagsusulat ngunit laking gulat ko na lamang nang may biglang sumigaw ng aking pangalan mula sa labas. "Shane Perez! Rooftop now!"

Agad na napaangat ang aking tingin sa labas dahil pamilyar ang boses na iyon para sa akin. The F! Anong ginagawa nun dito sa school?

"You don't want to keep me waiting dear, I am too impatient for that. Tap, Tap." may panunuksong sabi ulit nito. Ang nakakainis pa, may gamit pa talaga siyang megaphone kaya malamang sa malamang hindi lang ako ang nakakarinig sa mga sinasabi niya ngayon kundi ang buong school. 

"Ms. Perez! Sino ba 'yang tumatawag sayo? Hindi ba niya alam na bawal iyang ginagawa niya?! Boyfriend mo ba yan?!" galit na tanong ni Ma'am sakin, napayuko na lamang ako't di alam kung anong isasagot.

"Ahh ehh, s-sorry po Ma'am. Pasensya na po." kandautal na sagot ko sakanya.

"Hala sige! Puntahan mo na nga iyon nang matahimik na! Nakakaisturbo sa klase iyang jowa mo!"

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon