Chapter 02: What do you mean?

Start from the beginning
                                    

Pinalibutan pala nila akong apat at naglaho ang dalawa kong kaibigan, tila sila ang inutusan ni Justin imbes na siya ang bumili ng tubig o baka iniwan na nila ako. Itinuro ako bigla ni William dahilan para magtaka ako.

"Hindi ba kanta iyong what do you mean?" kunot-noong tanong niya.

Sumimangot ako nang dismayado. Akala ko dudugtungan niya ang sinasabi ni Mike. I shook my head when Justin joined William's craziness.

"Si Justin Diaz ang kumanta n'on," proud niyang sabi at sinamahan niya pa ng pagtaas ng kaniyang braso, ipinakita ang malusog niyang muscles.
"Justin Beiber iyon, guys," sabat kong pagtatama sa kanila, pero parang wala silang narinig. Magkalapit ang kailang mukha sa isa't isa, tila maghahahalikan na sa lapit at para bang magsusuntukan sa pag-igting ng kanilang panga, ngunit may nakaaasar na pagngisi. God! They're making me laugh.

"Hindi ikaw ang kumanta d'on at ka-boses mo ba 'yon?"

Nag-angat ako ng tingin kay Mike nang marinig kong bumuntonghininga ito nang malalim sabay tawa nang malakas.

"Bakit ayaw mo akong paniwalaan?" Justin frowned and looked away.

William expression made me laugh so hard. His mouth is half-opened and look so shocked. "Ikaw talaga kumanta n'on?" he asked, full of amusement. Justin nodded confidently that it made Mike laughed.

"Paano?" he curiously asked without noticing that it's a joke.

"Thank you for believing me, dude. It's overwhelming." He hugged himself and chuckled.

"Can I get their number? Gusto ko rin silang tawagan para mabisita ko ang recording studio nila." Lumapit siya at inilabas ang smartphone niya, hinihintay ang numerong sasabihin ng kausap.

Malalim na bumuntonghininga si Justin, tila labag sa kalooban niyang ibigay ang contact number kung mayroon nga. "Pakinggan mong mabuti," he instructed to William. Walang alinlangang inilabas din naman ni William ang cellphone niya, inilapit ang tainga upang mapakinggang mabuti.

Umalingawngaw ang malakas naming tawa dahilan para mahawa rin si Justi. Humagalpak nang malakas habang naguguluhang binalingan kami ng tingin ni William. He opened his mouth, but Mike spoke immediately, "Mga ugok! Ako talaga ang kumanta ng what do you mean, kaya huwag ninyong pagtalunan."

Ngumiwi kaming lahat at tinalikuran siyang naglakad palayo nang hilain ni Tristan ang braso ko habang umiiling-iling. "Ako ang orihinal na kumanta. The one and only most handsome king, Mike Zarate in the world!" buong-lakas niyang sigaw. He spread his arms with a wide smile, full of confident to claim it.

"Umiwas kayo sa hangin," natatawang sambit ni Tristan dahilan para matawa ang dalawa.

Mabuti at nakakaya niyang pakisamahan ang mga kaibigan niyang ito, na hindi maintindihan-hindi mawari kung saang planeta sila nanggaling.

Nalilito ko silang nilingon, isa-isa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil lumampas na kami sa aming kinaroroonang entablado kanina, at natatanaw ko ang malaking gusali hindi kalayuan sa amin, kung saan nakatayo ang mall. Gusto kong magtanong, pero hindi ko magawa dahil ako ang naiilang sa mga tingin ng kababaihan sa mga kasama ko sabay lipat sa akin.

Nag-aalala lang ako dahil baka bumalik ang dalawang kaibigan kong biglang nawala, at hanapin ako. Baka isipin nilang iniwan ko sila. Inilabas ni William ang cellphone niya, naging abala siya roon. Samantala, nag-uusap ang dalawa sa tabi ko't hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nila dahil lumalabas lang din sa kabilang tainga ko. Si Justin naman ang tahimik na nangunguna sa paglalakad.

Muli kong nilingon si William, tila nagkaroon ako ng ideya na baka nag-text siya kay Jerome na papunta kami sa mall at doon na lang magkita-kita. Ililihis na sana ang mga mata nang mapirmi pa ang tingin ko't hindi napigilang mailarawan ang pisikal niyang anyo.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Where stories live. Discover now