The One Who Came Back

Start from the beginning
                                    

"Sorry, pare," sabi ni Arvin. "Gusto mo ba talagang mag Interior Design? Hindi ko naman sana namaliit ang pangarap mo."

"Hindi naman," sabi ko. "Plano ko ring magshift."

Ngumiti na si Arvin. Nawala na ang mga tanong niya.

"Ayus," sabi ni Arvin. "Magkakasundo tayo. Magtulungan na lang tayo. Tutal, tayo lang naman yata ang straight sa block."

Napangiti na lang ulit ako. Sabi ko na nga ba. Mukha lang akong malambot. O, oo, may kalamyaan talaga ako, pero may naniniwala pa rin sa mundo na lalaki ako, higit pa sa sarili ko.

"Mahalaga daw na mataas ang grades natin ngayong first year," ayaw tumigil ni Arvin. "1.75 yata ang cut off ng Arki. Hindi ako sigurado. Pero madali lang yun. Tapos, Sali daw tayo sa org dun, magaling daw yung may hawak ng block A-1. ArkiSoc daw. Ayun oh." 

Tumuro ulit si Arvin sa block. 

Hindi ko na napigilang hindi sundan ng mata ko ang malaking lalaking parang nag-uutos dun sa isa pang lalaking may hawak ng placard ng A-1. Kilala ko ang lalaking iyun. Si Jessie. Jessie Reyes. Uminit ang pakiramdam ko. 

Malaki ang ngiti ni Jessie habang kinakausap ang mga freshmen. May mga kagrupo din siyang nakikipagbiruan sa block na hawak nila. May mga babaeng gustong magpa-picture sa kanya. Ang totoo, gwapo siya, sa suot niyang dark blue shirt na ang ganda ng bagsak sa katawan niya, bakat ang dibdib niya, at simisilip ang laki ng braso niya.

Mukhang tuwang-tuwa siya sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga babae. Palinga-linga siya. Hanggang sa mapahinto. Sa akin. Napatitig siya sa akin na nakatingin sa kanya. 

Naawala ang malaki niyang ngiti. Lumiit ang kanyang mga mata. Sinipat ako.

Inalis ko ang tingin ko. Sinubukan kong mawala sa kinauupuan ko, pero wala pala akong ganung powers. 

Sa pagbalik ng mata ko, nakatingin na rin sa akin si Jessie. Nakangiti na ulit siya, pero hindi ngiti tulad ng kanina. 

Hindi ko alam kung puso ko ba o ang baga ko ang lumolobo, pero sumisikip ang dibdib ko. Nandito siya. Nandito ako, nagkita na kami. Ayoko nang mag-college.

Ito na siguro ang katapusan dahil bumalik ang ala-ala ko mula umpisa.

Paano na ako iihi? Babalik na naman ba ang UTI ko? Hindi na kasi ako makakapasok sakahit anong banyo, dahil baka nakaabang na naman siya. Hindi ito Highschool all over again!

"O, Alex," sabi ni Arvin. "Kilala ka yata nung may hawak ng block. Nakangiti sa iyo. Kilala mo ba yun? Alam mo ba ang pangalan niya?"

Kung alam mo lang Arvin kung paano ko nalaman ang pangalan niya.

Hindi ko alam kung bakit naisipan kong mag-CAT nung second year highschool ako. Ang aga ko pumasok. Alas singko pa lang. Nag-warm up kami, tapos pinakilala sa amin ang mga officers. Mababati naman sila, kaya hindi ko naintindihan nung sabihin nung isa, "mga forty yata, ayus na yun, may benteng matitira."

Kalahati ang mababawas sa amin, bakit?

May dumating na isa pang batch ng mga officers. 

Isa doon si Jessie. Hindi ko pa alam ang pangalan niya noon. 

habang nakaformation kami, isa-isa kaming hinarap ng mga officers. Isang kadete, isang officer. Predictable na kung predictable. Pero inisip ko pa rin na hindi mangyari. Pero nangyari, si Jessie ang nasa harap ko.

"Push ups!" sigaw niya.

Mabilis akong sumunod ako. nag push ups ako kahit hindi ko alam kung ilan. Basta hindi ako tumigil hanggat hindi niya sinasabi. 

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now