The One Who Must Have A Name

Beginne am Anfang
                                    

Wala yun. Walang ibig sabihin.

Matapos ang fifty push ups, magtanggal ng brief at magtapis ng twalya, inilagay ko na ang contact lense ko. Luminaw na sa wakas ang paligid. Tumingin ako sa study table ko. Sa isang bahagi noon, naka frame pa ang frame at basag-basag kong salamin na "got run over by a truck." Kinuha ko ang journal sa kama upang ituloy ang sinusulat ko pero wala na. Nakalimutan ko na ang napanaginipan ko. Bumaba na lang ako para maghanda ng agahan.

Tumayo si kuya mula sa panonood ng tv sa salas at nilapitan ako. 

"Ano yang nagbubukas ka pa ng ref?" Tuluy-tuloy na si Kuya habang tinutulak ako papunta sa CR. "Maligo ka na!"

"Mauna ka na, kaya ko na 'to!"

"Sabi ni Daddy, samahan daw kita."

"Sinunod mo naman."

"Gusto ko rin, I wanna be the one to orient you sa school natin."

Papalag pa ako nang buhatin ako ni kuya at ipinasok sa banyo. "Sige na! Bilisan mo na at kailangan maaga ako, may presentation kami sa orientation. You should see it. It's hilarious."

Mahigpit ang kapit ko sa towel. Pag bumagsak ito tulad nung kumot, makikita ni kuya ang tinatago ko. At nakakahiya, tumitigas na naman kasi. Inilayo ko na lang ang iniisip ko.

"Kuya, first day of school lang," sabi ko. "Wala namang kakaiba."

Kunwari lang naman akong hindi excited sa bagong school. Pa-cool lang, pa usual event lang sa life kunwari, pero ito na siguro ang hinihintay ko talaga. Bagong buhay. Bagong routine.

Siguro, dahil hindi ko na classmates ang mga kaklase ko sa top, e magiging ako na ang mangunguna sa klase. Pwede naman kahit ilan sa top sa college, kahit ilan ang pwedeng cum laude, malamang isa ako dun, hindi na nga lang suma, sobra nang pangarap iyun. At iba pa. Iyan ang mga tumatakbo sa isip ko habang naliligo. Hindi pwedeng mag-concert, may ibang tao.

Paglabas ko ng banyo, iba na ang amoy ng bahay. May fried rice. Ang inakala kong iluluto ko, niluto na ni kuya. Antagal ko palang maligo.

"Mamaya ka na magbihis, let's eat first," aya ni kuya.

Magulo pa ang buhok ko. May mga tumutulo pang tubig sa katawan ko dahil hindi pa napupunasan ng twalya. Gusto ko munang magmadaling magbihis, pero hinawakan ni kuya ang kamay ko. Bago pa ako makarating sa hagdan ay hinila niya ako papalapit sa kanyang katawan. Niyakap niya ulit ako nang mahigpit at sa pagkakataong ito, nawirduhan na ako. Kanina pa yakap nang yakap si Kuya sa akin.

Nakayakap pa rin siya nang iupo niya ako sa hapag.

Bacon, itlog na sunny side up, at sinangag. Wow. Perfect ito kung pinagtimpla na rin ako ni kuya ng kape. Kaya kahit medyo basa pa ang katawan ko, nagtimpla na ako ng kape. Hindi ako nakakakain sa umaga pag walang kape, parang hirap dumulas sa lalamunan ko ang pagkain. Pagkatimpla, umupo na ako sa harap ni kuya at kumain.

Pinanood lang niya ako.

"Kain ka na rin, Kuya," sabi ko.

"Nope, 'tol, all for you."

Nakailang subo pa lang ako nang tumayo si kuya, magbabanyo. Nag-ring ang telepono niyang naiwan sa lamesa.

"Tol, pakisagot."

Nakita ko, nakasulat, Bespren. Sino itong bestfriend ni Kuya?

"Hello," sabi ko.

"Albert, where you? Sabay ba ako sa'yo or should I bring my car?"

Hindi ako nakasagot. Ang pamilyar ng boses niya. Kinabahan ako. Hindi ako nakapagsalita. Siya ito. Hinalikan niya ako kanina. Sinabi niya kapag nakapasa ako...

"Hello, Albert?" Ulit nung lalaki sa phone.

"Nakapasa ako. Anu nang pangalan mo?"

"What?" Tumawa siya.

Napakapamilyar ng tawa niya. Naalala ko nung sinabi kong bata pa ako, at iyun ang tawang narinig kong sumunod..

"Pumupunta ka ba sa Antipolo?" Ano naman at naitanong ko iyun. Pero parang okay lang. Pag sumagot siya e di, baka siya.

"Albert, what's wrong with you?" sagot niya.

"Ah, eh, Sorry po, nasa banyo si Kuya." Hindi siya.

"Albert..."

Pero ang boses niya. Gusto ko pang marinig ang boses niya. Pero sana pangalan ko ang binabanggit niya.

"Alex." Pakilala ko.

"Huh?"

"Ah e, si Alex ako, kapatid niya?"

Nakalabas na si Kuya st kinuha ang phone sa akin. Nag-usap sila at pinanood ko lang.

"Si Gabriel, Mamaya, makikita mo iyun. Sige na, magbihis ka na." Sabi ni Kuya sa akin.

Gabriel? Gabriel. Lalo akong nagmadali.



-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Oh Boy! I Love You!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt