~ sixteen ♡ The Girl I Want To Meet ♡

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

-

~ Macky

Napailing nalang ako habang nakadekwatro at nakatingin sa natatalong black team. Five vs. Four?

Tss..

Bigla akong na dissapoint kay nerd. Kung natatakot sya, sana nagsabi man lang sya kahit sa mga kasamahan nya. Hindi yung tumatakas sya. Its not cool.

Lalo na ngayon, parang isa isang hinahampas sa sahig ang mga ka team nya. Mabuti nalang at pinagbigyan pa din silang maglaro kahit na kulang sila.

Salamat sa mommy ni Ice.

"tsk. Badtrip. Kulang na nga sila, dinadaya pa. Tang ina." galit na sabi ni jorge sa tabi ko.

Sus.. Palibhasa kasamang ma-kikick out ang bestfriend nung nerd na yun na kita namang type ng babaerong to..

-_-

"tsss.. Its fucking boring. Mas mabuti pang matulog nalang" rinig ko namang sabi ni ice sabay tayo at lakad palayo.. Tss ano bang problema ng mga to?

-

~ ICE

Bagsak ang balikat kong umalis nang pwesto namin. Badtrip naman kasi. Matic na yun. Sa ayaw at sa gusto nila, aalis sila sa EU. Wala na silang magagawa pa.

But what is happening to me? Dapat masaya ako diba? "Fuck." nasambit ko habang naglalakad ako palayo sa court.

Bakit parang ayokong makitang matalo sila. Damn!

Jusko kawawa naman..

Kaya nga, ang gandang babae pa naman!

Oo nga. Tulungan nyo naman!

Napalingon ako sa mga nagkukumpulan sa harap ko. Napatingin ako sa tinitignan nila mula sa malayo.

What the hell..

Ilang lalaki ang nagmamadali habang ipinapasok sa kotse ang isang walang malay na---- babae? Isang babaeng naka jersey..

At pamilyar ang suot na jersey ng babae..

Black team? Si nerd?

Parang kusang humakbang ng malalaking hakbang ang mga paa ko papunta sa kinaroroonan ng mga lalaking yun.

Wala akong inaksayang panahon. Mabilis kong nahabol ang pasakay na driver.

Gulat ang nakita ko sa mata ng lalaki. Nakamask sya kaya hindi ko makita ang buong mukha nya. Hawak ko ng mahigpit ang braso nya sabay lingon ko sa babaeng walang malay sa loob ng sasakyan.

"San nyo dadalhin ang babaeng yan?" walang ganang tanong ko sa lalaking halos mapitpit ang braso sa sobrang higpit nang pagkakahawak ko.

Nakita ko na sumugod sakin ang dalawang lalaki mula sa likod ko. Hindi yata nila kilala ang kinakalaban nila. Psshh..

Agad kong naibalibag ang lalaking hawak ko at agad na hinarap ang mga walang kwentang lalaking pasugod sakin.

Tsss... Sisiw.

Hindi yata inabot ng isang minuto ang pagpapatumba ko sa kanila.

"Sir okay lang po kayo????" tanong nang bagong dating na guard sakin. I just nod at him na parang wala lang nangyari.

Inayos ko lang ng konti ang buhok kong nagulo dahil sa mga bubwit na ngayon ay nakahandusay na sa sahig.

"Kayo na ang bahala sa mga kalat na yan" sabi ko nalang sa guard at nagmamadaling lumapit ako sa babaeng walang malay sa loob ng kotse.

Di ko alam bakit parang kinakabahan ako. Damn! Ako ba to?

Dahan dahan kong binuhat si nerd at inilabas ng kotse. Pero bigla akong nagulat ng makita kong hindi si nerd ang buhat ko.

Tinitigan ko ang mukha ng babaeng hawak hawak ko ngayon.

Ano to?

Ang babaeng hawak hawak ko ay ang babaeng hinahanap hanap ko... The girl i want to kiss again. The girl i want to meet... Again.

Pero bakit suot nya ang jersey ng black team, at nakasulat sa jersey nya ang pangalan ni---- nerd???

What the hell?!







❤❤❤

A/N: Itutuloy....

Lagot na! Pano na ngayon ang gagawin ng Black Team laban sa madayang laro ng Red Team? Kayanin kaya nila ang nilutong laban ng kabilang team? Manalo kaya ang Black team sa game na ito para sa deal ni Mrs . Edmonds??

At paano na kaya ang mangyayari ngayon na nakita na ni ice ang babaeng matagal na nyang hinahanap? Ano ang magiging reaksyon ni ICE kapag nalaman nyang iisa lang ang babaeng hinahanap nya at si nerd??

Tutok lang guys! Love lots! 😙😘😚

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें