~ fourteen ♡ Kick-out?? ♡

Start from the beginning
                                    

"H-hindi pa po namin alam madam" Alanganing sagot ni GO. Nakita namin ang pagkunot ng noo ng babae. Nag cross arms pa ito.

"Hindi mo alam? Trabaho mong alamin." Mataray na sabi nya sa GO. Kahit na hindi kami ang kausap nya mararamdaman mo ang kaba. Nakakatakot talaga sya. Kakaiba sya. Parang hindi mo sya pwedeng biruin.

"Ahh opo opo ma'am!!! Sorry po!!!" Paghingi nya ng tawad sabay alis nito pero bago yun ay yumuko muna ito bilang pagbibigay galang.

"Kayo." Matigas na sabi nya. Napaangat kami ni maimai ng tingin at lalo kaming kinabahan dahil saamin sya nakatingin.

"Lumabas kayo sa kwartong ito ngayon din" She said very coldly. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ramdam ko din ang kabang bumabalot kay maimai. Parang walang salitang gustong lumabas sa boses ko kaya tahimik kaming tumayo at yumuko. Pero akmang aalis na kami ng bigla nanaman syang magsalita.

"Saan kayo pupunta???" Tanong nya samin na ipinagtaka ng lahat. Kakasabi lang nyang lumabas kami diba???

Hindi pa din kami kumikibo ni maymay. Feeling ko tuloy mas lalong kumabog ang dibdib ko habang nakatingin sya samin. Pero nilakasan ko pa din ang loob ko para magsalita. 

"S-saabi nyo po labas" utal kong sabi habang nakayuko. Ang nasa isip ko nalang ngayong mga sandaling ito ay makalabas na kami sa kwartong to. T_T

"Sinabi ko bang kayo???" Mataray nyang sabi sabay talikod at harap sa mga Guidance councilors at ilang guards na nandito din sa loob ng office ni GO.

"What are you waiting for? I said get out of my sight right???" Mataray at patanong nyang sabi sa mga councils na ngayon ay natataranta ng magsilabasan.

Pumunta sya sa pintuan at ni lock ang pinto. Jusku mas lalo akong kinabahan sa ginagawa nya. Katapusan ko naba?

Help us!!!!

"I witnessed everything" she said kaya pareho kaming napatingin sa kanya ni maimai.

"Po??" Sabay naming tanong.

"I saw everything. I know, both of you are innocent. Pero ano nga ba ang special sa inyo para pagtulungan nila kayong patalsikin sa EU? Do you have any idea girls??" Tanong nya samin. Nakatinginan kami ni maimai. Nakahinga ako ng maluwag na maluwag ngayon at alam kong ganun din si maimai.

"Talaga po???! Kung ganun hindi nyo na po kami papaalisin???" Parang batang tanong ni maimai.

"It's not that easy. Magiging bias ako kapag ginawa ko yun. Well though i know what really happened, i don't have the right to decide and i dont have the right to take care of this kind of problem. I'm just the owner of this school. Ano pang silbi ng guidance office??" Mahabang sabi nya samin. Nanlambot ako bigla sa sinabi nya pero at the same time, may naalala ako sa kanya. Si mommy. Kahit na sya ang owner ng school, hindi sya nakikialam sa mga issues na katulad ng mga ganito. Wala syang pinapanigan. Pero dun sya sa tama.

"But." Pagbibitin nya ng salita samin habang naka cross arms pa. Nakatutok lang kami ni maimai sa susunod nyang sasabihin.

"I don't tolerate bad people. Ayoko ng madaya. All i want is fairness. Ayoko ng may nadedehado oh naaapi. I'm a busy person but look, nandito ako ngayon sa harapan nyo dahil ayokong may kababalaghang nangyayari sa university ko. Ayoko ng may kaguluhan at lalong lalo na, ayokong nasisira ang pangalan ko, at ng school ko kaya naman nagmamatyag ako paminsan minsan."

Napatingin ako sa kanya. Hindi na sya katulad kanina na nakakatakot. Sa isang segundo lang ay labis akong humanga sa kanya. Para syang si mommy. Bigla ko tuloy na miss si mom. T__T

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now