Nag-aantay.

Nagtataka.

"Utol Okay ka lang?" - Sonny.

"Papa Migo?" - Cloe.

Hindi ako maka isip ng tamang palusot na sasabihin ko sa kanila.

"Utol, sa lahat ng mga nanalo sa dwelo, ikaw lang ang may ganyang mukha. Are you sick?" Sonny asked me again.

"You look depressed. Are you okay Papa Migo?" Sabi ni Cloe. Maging sila ni Kim ay nag aalala sa akin.

I saw Chase na nakahawak sa balikat ko. "Is there something you're going through? Let us know. Mahirap kapag sinasarili mo yang problema mo."

"Utol, pansin ko nga na lately lagi ka nang nagkukulong sa condo mo, are you okay?" Sabi ni Sonny. Lumapit ito sa akin. Maging siya ay nag-aalala din sa akin.

Sonny's phone buzzes. Sinagot niya ang tawag. It was Jepoy.

"Out na daw si Jepoy. Ano plano?" Sonny said.

"Mabuti pa Migo, magpahinga ka nalang. Hindi na kami tutuloy ng Laguna." Sabi ni Chase.

"Wait, wait! Ano kamo Laguna? Pupunta kayo sa Laguna? Sama naman kami jan ng friendship ko!" Singit ni Cloe. She looks excited. Nakita ko na pinapatigil siya ni Kim. Nahihiya siguro. Alam niya how tackles Cloe can be.

"Di na nga kami tuloy diba? Kitam depressed ang Utol ko. Tapos kami magsasaya? Unfair yun sa part ni Migo." Sabi ni Sonny.

"Yeah, Sonny is right. Hindi masaya kapag kulang kami. So better be, wag nalang tumuloy." Chase aggreed.

"Ano ba kayo. Go on. Ituloy niyo yang plano ninyo. Wag niyo akong isipin. Don't mind me. Susunod ako." Sabi ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil lang sa akin, hindi na sila tutuloy sa Laguna.

"Are you sure Utol?" Sonny asked me again.

"Wala ring kwenta kung matutuloy kami sa Laguna tapos ikaw ganyan ka. Wala ring saysay yun. Wala sa aming mag eenjoy." Sabi ni Chase. Kalmado talaga ito. Hindi ko mabasa tumatakbo sa isipan niya.

"Aww.. Ang sweet niyo namang tatlo, pag di pwede yung isa, ayaw na lahat.. Kainggit naman kayo" sabi ni Cloe. She looks overwhelm sa relasyon naming magkakaibigan.

"Ganyan talaga kami since high school," Hinawakan ako ni Chase sa balikat at niyugyog ako. "Pag may problema ang isa, damay na lahat." He smiled at me.

Ramdam ko ang presence ng mga kaibigan ko ngayon. I felt glad.

"Eh kayo Cloe, san ba lakad niyo? Bakit nagkagulo kanina sa loob?" Sonny is being interogative again.

"Ewan ko nga ba doon, itong friendship ko, nilapitan nung manyakis na negrong yun kanina. Aba! Mantakin niyo bang, pagkamalang pokpok tong friendship ko! Ayun buti nalang dumating si Papa Migo para maging knight in shining armor ng friendship ko..." Kwento ni Cloe, with matching actions pa.

"Nagpapasalamat ako sayo Migo, muli mo nanaman akong niligtas" sabi ni Kim.

Maganda si Kim. Hindi mo makakaila. Napaka attractive niya, impossibleng hindi mo siya mapapansin.

"Kilala mo ba Migo yung lalaki kanina?" Tumingin si Chase sa akin. Ganun din sila Cloe at Kim. Marahil narinig nila yung sinabi ni Akon kanina.

Biglang umepal si Sonny para magpaliwanag.

"Ah Eh. Ganito kase yan, eto kaseng si Utol, nalasing noon sa Boiler Room. Ikaw pareng Chase, nasa Japan ka pa noon. Tapos si Eiri--" hinampas ko sa tyan si Utol para patigilin. Tama na. Ayaw ko nang maalala si Eirik.

Bae Meets DreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon