~ twelve ♡ Concern? ♡

Começar do início
                                    

Napalingon ako sa mga ingay na dumaan sa likod ko. Pagtingin ko, isang lalaking buhat buhat ang isang walang malay at may kasama pa silang isa pang babae.

"Anong nangyare dyan?" Tanong ko sa kanila. Napatigil sila. Subukan nilang hindi. Lagot sila sakin.

"A-ahhh ano po, ahm yung mga nakaitim po. Isang malaking bola po na may lamang mga bato sa loob." Sabi nya. Naikuyom ko ang kamao ko.

Fuck..

Lumapit ako sa kanila at dun nakita kong duguan ang ilong at labi ng babaeng...
Teka, si......

Si nerd to ah!

Ewan ko kung anong nangyari. Kung may hawak lang siguro ako ngayon, durog na dahil sa higpit ng pagkakuyom ng kamao ko.

"Nasan yung bola?? Kunin mo. Akin na yan. Ikaw, kunin mo yung cctv kung saan nangyari at dalhin mo sakin.... Now!!!" Sigaw ko sa kanila.

Agad kong kinuha at kinarga si nerd. Tumakbo na ang dalawang inutusan ko. Medyo marami na ang nakatingin na mga chismosa sa paligid pero wala akong pakealam. Bahala sila. Hindi na tama to.

Damn this fucking idiots!

Pati sa babae ganito ang ginagawa nila?!

________

"Anong nangyari sa kanya sir?" Bungad sakin sa clinic.

"Anong ginagawa nyo dito sir??"

"Ano pang tinatanga nyo??? Gamutin nyo na!!!" Sigaw ko sa kanila. Kanya kanya silang kilos. Tatanga tanga pa kasi. Akala mo ngayon lang nila ako nakita dito sa Clinic tss..

"Sir ano pong nangyari sa kanya??? Bakit po puro dugo ang mukha nya sir????!"

"Ang dami nyong tanong! Basta gamutin nyo nalang sya!" Sigaw ko sa kanila. Taranta na sila. Nang makita kong dinala na si nerd sa isang kwarto, lumabas nako ng clinic. Naririnig ko pa nga ang bulungan ng iba pero wala akong pakealam sa kanila..

Bakit kaya si sir Ice ang nagdala sa kanya???

Uhmm swerte naman ng nerd na yun!

First time nyang pumasok dito kaya bakit kaya sya nandito? Himala ah.

Oo nga. Alam ko may sariling nurse yan na napunta sa headquarters nila eh.

Ang gwapo at ang hot nya talaga grabe!!!

Oo nga! Grabe sana ako nalang yung nerd na yun para pwede nakong mamatay!

Ang sakit sa tenga ng mga naririnig ko. Binilisan ko nalang ang lakad ko at baka mapikon pako sa mga to. Nagdial nalang ako sa phone ko at sakto, natawag si jorge.

[San ka?]

"Papunta na. Lets talk." Sabi ko at tinapos na ang tawag. Hanggang sa paglabas ko at sa mga nadadaanan ko, ang daming nagbubulungan.

Damn this idiots...

_

"Where's Englebert? Tanong ko sa dalawa pagdating ko. Kailangan naming pag usapan to.

"Wala eh. Ayun kanina tumakbo pagkatapos nyang kausapin yung nerd. Parang may nangyari yata." Paliwanag ni macky.

"Ano ba yung pag uusapan? bakit ang tagal mo naman yata dun sa dean's office??" Si jorge.

"Yung mga basura. Nananakit na sila ng mga babae. Gusto kong tapusin na natin ang mga kalokohang to. Mas mapapasama ang mga pangalan natin pag nagpatuloy pa to. Wala na silang pinipili." Sabi ko sa kanila.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Onde histórias criam vida. Descubra agora