~ eight ♡ Second time around ♡

Start from the beginning
                                    

_

~ 11pm

Medyo tinatamaan na kaming tatlo ng espiritu ng alak kaya kanina pa sayaw ng sayaw si dude at maimai sa dancefloor. Ako naiwan lang dito sa pwesto namin malapit sa bartender. umiinom lang ako habang yumuyuggog ang ulo ko. Napapaindak kasi ako pag tumitingin sa dalawa na masayang sumasayaw sa dancefloor. Yep right. Tinawagan ni dude si maimai kaya sumunod sya dito ng mga 10pm.

Kanina pa nila ako niyaya pero wala pa akong gana, gusto ko pang uminom. May tama nako ng margarita na iniinom ko pero parang mas gusto kong uminom pa ng uminom.

Tatayo na sana ako para pumunta sa cr dahil kanina pako naiihi ng biglang may humarang sa harap ko.

"Hi miss? You are so beautiful.. i like you." Prangkahan nyang sabi. Matangkad sya, gwapo at mukhang mayaman din naman pero mas mukha syang manyak.

"Thanks." Sarkastikong sabi ko nalang at dadaan na sana ako kaso muli nyang hinarang ang daanan ko.

"I said i like you. Can we make out?" He said smirking. This is bullshit!

What did he say? Make out?! What the fuck! Is he out of his fucking mind?!

"Out of my way." Matigas kong sabi sa kanya. Pero lalo lang syang nagalit sakin at hinawakan ako sa wrist ko.

"I said, i like you. Pasalamat ka nga eh, sa lahat ng babae dito ikaw ang nilapitan ko, tapos aarte kapa? Magkano ba?" Sabi nya kaya nag init ang ulo ko. Ang bastos nya, mayabang pa. Binawi ko ang kamay ko sa kanya.

"Hoy! Mr. Oh kung sino ka man, wala akong pakealam sayo! Pwede ba? Nakaharang ka sa daanan ko, Alis!." Iritang sabi ko sa kanya. Nakakaasar kasi! Ang yabang!

"Aba sumasagot ka pang babae ka ah! Bakit akala mo maganda ka?! Halika dito!" Sabi nya at hinila ako. Dahil sa lasing nako at malakas sya at nadadala nya ako.

"Hoy! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang kumakawala ako sa kanya. Tinitignan ko sina dude pero hindi kona sila makita dahil sa dami ng nasa dancefloor at kung titignan mo ang paligid ay lahat sila, nagkakasiyahan at walang pakealam sa paligid nila. Dahil din sa lakas ng tugtog sa buong bar ay alam kong hindi nila ako maririnig dito pag sumigaw ako.

"Bitawan moko!" Sigaw ko ulit ng makita kong palabas na kami ng bar at ni wala man lang nakakapansin na kinikidnap nako ng manyak na lalaking to. Diretso lang sya at hindi nagsasalita. Naiiyak nako. Kinakabahan ako.

Dito naba magtatapos ang lahat? Alam kona ang mangyayari pag naisama ako ng lalaking to kung saan kaya nanghihina ako. Mawawala naba ang pinaka ingat ingatan ko? Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng marating namin ang isang nakaparadang kotse.

"Pasok!" Sigaw nya pero nagmatigas ako at inaagaw ang kamay ko sa kanya. Medyo madilim na pa naman dito.

"Wag ka nang magmatigas pa, pakipot kapa eh! Alam ko namang gustong gusto mo din!"

"Tulong!!! Tulungan nyo----" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang may nagsalita sa likod ko.

"Let her go" sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki.

"Sino kaba? Wag kang makialam dito ah." Sabi ng lalaking bastos.

"Ang sabi ko, bitawan mo sya, kung hindi mo maintindihan ang english." Sabi ng lalaking nasa likod ko. Gusto kong tumawa ngayon sa sinabi nya kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon. Sa sinabi nya mas lalo lang nagalit si manyak.

"Anong sabi mo! Mayabang ka ah! Sino kaba??! Wag kang makealam dito! Umalis kan-----

Nagulat ako ng bigla nalang syang bumulagta sa harapan ko. May isang lalaking sumuntok sa kanya. Hindi lang pala sya isa, dalawa sila.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now