Chapter 50: Silhouette of a God

Начните с самого начала
                                    

"*AEOLUS STRIKES!*"
Isang uri ng wind incantation kung saan sunod-sunod at mula sa ibat-ibang direksyon ang pag-atake ng mga matatalim na hangin.

Hinigpitan ni Lilian ang kapit sa kanyang Spear at muling nag-enchant. Hindi sya magpapatalo sa ganoong incantation.

"*REMORPH!:GLADIOLUS!"* mula sa pagiging spear ay naging isang matalim na espada ang armas ni Lilian. Saka nya sinalubong ang mga hanging papalapit sa kanya.

Natutuwa namang panauorin si Rigel ang dating estudyante. Malayo na ang pinagbago nito mula sa dati nitong estado.


"Karapat dapat ka nga kay Mistress."

Napakunot ang noo ni Lilian sa narinig. Hindi nya masikmura ang sinasabi ni Rigel. Malabo pa sa pagputi ng uwak na sasama at papanig sya sa masama.

"Tumigil ka na sa pagsasalita mo. Wala akong planong makinig sayo."

"Sa kapangyarihan mong iyan paniguradong malaki ang magiging posisyon mo sa kaharian ng Mistress."


"Sinabi na ngang tumigil ka na! Hindi ako interesado sa kahit anong posisyon! Hindi ako gamahan sa kapangyarihan!" Lalo namang nag-init ang ulo ni Lilian sa narinig. Ganun ba ang dahilan kaya umanib si Rigel sa mga kalaban. Dahil sa kapangyarihan at ranggo? Napakababaw na dahilan.

"Bakit naman? Akala ko pa naman ay nais mo ng kapangyarihan. Sa tagal ng panahon ma hindi mo binibitawan ang iyong posisyon bilang Water Keeper. Bakit ba ayaw mong ipasa yan sa iba? Natatakot ka na bang mawalan ng papel sa kaharian?" Pang-uyam ni Rigel. Oras na para gamitin ang kanyang alas. Ang kahinaan ni Lilian.

"Hindi ako natatakot sa anuman. Sadyang ayoko lang na gawin ang bagay na yon." nanginginig na tugon ni Lilian. Bakas sa kanyang mukha ang pait.


"Hahaha~ mukhang tuluyan mo na ngang natanggap ang bagay na iyan. Yan na dahilan ng kalungkutan mo. Patuloy ka bang magtitiis na pasanin iyan? Hindi ka ba nagagalit sa kanila na pinilit nila sa iyo ang bagay na wala ka namang kamalay-malay?"

Hindi magawang tumugon ni Lilian. Muling nagbabalik sa kanya ang sakit ng nakaraan. Matagal na panahon na nya iyong kinalimutan. Tinanggap na nya lahat.

"Makinig ka sakin Lilian, kung sasama ka sakin hindi mo iyan mararamdaman. Kung papanig ka samin at mapapasakamay ng Mistress ang lahat ng kapangyarihan ng kalikasan maibabalik nya sa dati ang lahat. Maibabalik nya ang mga nawala... maging ang iyong pamilya, Serene..."

Naiangat ni Lilian ang tingin kay Rigel kasabay noon ay ang pagkabalot sa paligid nila ng nag-aalab na apoy.

"Bakit hindi tayo magbalik tanaw sa nakaraan? Baka sakaling magbago ang iyong isipan." Nakangising wika ni Rigel. Sa paraang iyon matitiyak nyang mapapasakamay nya ang Dyosa ng tubig.

----------------------------

Sa kabila ng kaguluhan at pagpapanic ng mga tao sa paaralan ay tila walang naririnig si Sagi. Para bang nabalot ng nakakabinging katahimikan ang silid kung saan sya naroroon, nakahandusay sa sahig, halos naliligo sa sariling dugo.

"Dito na ba ako mamamatay? Hindi ko man lang naipangtanggol ang sarili ko. Napakahina ko."  Mapait na napangisi si Sagi.


"Kung sabagay, hindi ko naman ito ginusto. Ordinaryong bata lang naman ako na naipit sa ganitong sitwasyon. Bakit ako pa ang pinili? Wala namang kakaiba sakin. Wala sakin ang katangian ng isang water meister."



Lady of the Blue Moon LakeМесто, где живут истории. Откройте их для себя